• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BBM CAMP: 99.93% accuracy rate ng manual count nagpapakita ng totoong kagustuhan ng tao

ANG  99.93 percent vote accuracy rate mula sa lumabas na random manual audit (RMA) ay ang patunay na nagdesisyon na ang mga Pilipino at ang kanilang kagustuhan ay dapat respetuhin, ayon sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos nitong Lunes.

 

 

Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang random manual audit ng boto ay nagpapakita na ang mga digitally transmitted election results ay kahalintulad ng mga botong nakasulat sa mga balota.

 

 

“We welcome the results of the random manual audit of votes that the Commission on Elections (Comelec) reported out. We believe that the high accuracy rate proves that the recent elections were not marred by fraud as some sectors have been claiming. The RMA results should erase any doubt regarding the election results. The people have spoken and they have chosen presumptive President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos to be the country’s 17th president,” sabi ni Rodriguez.

 

 

Base sa random manual audit of votes nitong nagdaang 2022 elections, 99.93% ang overall accuracy matapos 128 sa 757 sa randomly selected clustered polling precincts ang nasuri na.

 

 

Dagdag pa ni Comelec Commissioner George Garcia ang ulat na 99.97% accuracy rate ay para sa presidential elections, habang 99.96% ang para sa vice-presidential race, at 99.97% naman sa senatorial at party-list polls.

 

 

Ang random manual audit ay pinangunahan ng Comelec, at mga poll watchdogs gaya ng LENTE, na asosasyon ng mga certified public accountants, at kasama din nila ang Philippine Statistics Authority.

 

 

Ito ay ginagawa upang suriin ang mga vote counting machines at masigurong tama ang pagkakabilang sa mga balota.

 

 

Muling nananawagan si Rodriguez sa mga sektor at grupo na nagbibigay ng pagdududa sa publiko kaugnay sa resulta ng halalan na tigilan na ang kanilang ginagawa at hayaang makapaglingkod ang susunod na administrasyon.

 

 

“I appeal to those who keep on pursuing this divisiveness, the people have spoken. The Filipino people have spoken and an overwhelming majority has voted President-elect Bongbong Marcos and Vice President-elect Inday Sara Duterte into office as President and Vice President. Learn to respect the will of the Filipino people,” sabi pa niya.

Other News
  • PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque

    TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli […]

  • Mga oil firms halos magkakasabay na nagpatupad ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang produkto

    HALOS  magkakasabay ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng dagdag bawas ng kanilang mga produkto.     Mayroong P1.40 ang idinagdag sa kada litro ng gasolina.     Habang ang mayroong P0.50 naman sa bawat litro ng diesel ang ibinawas.     Nagbawas din ang kerosene ng P0.35 ng kada litro.     Naunang […]

  • PBBM, nagtalaga ng OICs sa newly-created Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Abdulraof A. Macacua at Bai Mariam S. Mangudadatu bilang mga  officers-in-charge sa mga bagong nilikha na lalawigan na Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.  Tanging si Macacua lamang ang nanumpa bilang Maguindanao del Norte OIC. Pinili ng Pangulo si Macacua na pangunahan ang Maguindanao del Norte […]