BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case
- Published on May 21, 2022
- by @peoplesbalita
PINASASAGOT ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una.
Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian Buenafe at iba pa.
Sa En Banc Resolution na may petsang Mayo 19, 2022, pinasasagot ang mga respondents sa loob ng 15 araw makaraang matanggap ang ‘notice’ ukol sa mga alegasyon na hindi nabigyan ng tamang proseso ang petisyon na isinampa sa Comelec laban kay Marcos.
“WHEREAS, considering the allegations contained, the issues raised and the arguments adduced in the Petition, without necesssarily giving due course thereto, it is necessary and proper to REQUIRE the respondents to COMMENT on the petition and prayer for temporary restraining order,” ayon sa SC.
Sa inihaing petisyon noong Mayo 16, kinuwestiyon ng grupo nina Buenafe ang mga resolusyon ng Comelec na may petsang Enero 17, 2022 at Mayo 10, 2022, na nagbabasura sa petisyon nila kontra kay Marcos.
Nakasaad sa kanilang petisyon na nararapat na tanggihan o kanselahin ng Comelec ang inihaing ‘Certificate of Candidacy’ ni Marcos para sa posisyon ng Pangulo ng bansa.
Ikinatwiran ng grupo ni Buenafe na nakagawa ng krimen ukol sa ‘moral torpitude’ at perjury si Marcos dahil sa maling nakalahad sa kanyang COC sa kanyang ‘eligibility’ sa pagtakbo kaugnay sa kaso ng hindi pagbabayad ng buwis. (Daris Jose)
-
P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA
UMISKOR ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang big-time drug traffickers kung saan nasamsam sa kanila ang nasa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20 milyon sa isinagawang drugs operation sa Quezon City, kamakalawa. Kinilala ni PNP Chief P/Gen. […]
-
PBA balik na sa Pebrero 11
KASADO na ang pagbabalik-aksiyon ng Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Pebrero 11 na posibleng ganapin sa Smart-Araneta Coliseum. Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang magandang balita kung saan nakikipag-usap na ito sa pamunuan ng Big Dome at sa local government unit ng Quezon City para sa resumption ng liga. […]
-
Inamin ni Caloy Yulo ang pagkabigo, ngunit nakakita ng mga positibo pagkatapos ng dalawang medalya
Magkahalong damdamin si CARLOS Yulo sa kanyang paghakot ng dalawang medalya sa 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, na natapos noong Linggo. Sinabi ni Yulo na masaya siyang umuwi na may dalang pilak sa vault at tanso sa parallel bars, ngunit hindi rin nasisiyahan sa kanyang pangkalahatang pagganap sa kompetisyon kung saan […]