BBM SUPORTADO NG MGA DATING PNP, AFP AT MEDAL OF VALOR AWARDEES
- Published on March 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAGKAKAISANG nagpahayag ng suporta ang mahigit 100 dating matataas na opisyal ng militar at pulisya para sa kandidatura ng nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Pito sa mga ito ay dating hepe ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard; siyam na Medal of Valor awardees, pitong dating service commanders at 100 retired generals at senior officers.
Ang manifesto of support ay pirmado mismo ng mga dating opisyal.
Nanawagan din ang mga dating opisyal sa taumbayan na maging mapagmatyag at bantayang maigi ang inaabangang May 9, 2022 elections upang masiguro na maging malinis at mapayapa ito.
“For the future of our country, of our children and our children’s children, it is incumbent upon all sectors of our society to rally behind and support whoever is chosen by our people through free, fair and honest elections,” anang grupo.
“It is our Constitutional duty as citizens of the Republic to resist any and all efforts to subvert the democratic will of our people,” sabi pa sa manifesto.
“Should our people choose Sen. Marcos as our next president in the elections on May 9th, we commit to him our full support for unity, peace, progress — and we call on all to do the same so that he can fulfill the sovereign will of the Filipino people, and of God,” sabi pa nila.
Kabilang sa mga kilalang personalidad na pumirma sa manifesto ay sina dating AFP chiefs Generals Roy Cimatu, Benjamin Defensor Jr., Dionisio Santiago at Felimon Santos. Gayundin si dating PNP chief Gen. Avelino Razon Jr., dating PCG chiefs Admiral Damian Carlos at Admiral Danilo Abinoja at marami pang iba.
Ang mga Medal of Valor awardees na pumirma at nagpahayag din ng suporta kay Marcos ay sina dating Col. Ariel Querubin, Noel Buan, Roberto Salvador, Hilario Estrella, Bienvenido Fajemolin, Leopoldo Diokno, Lucio Curig, Roy Cuenca at Francisco Granpil.
“We invite everyone to rally around Senator Marcos as the best candidate to initiate true and genuine reforms in the institutions of our country, foster national healing and unity, and most of all, provide the support for the vast majority of our people who are most dependent on the service of the national government,” pagbibigay-diin pa sa kanilang manifesto.
-
‘Thor: Love and Thunder’ Confirms How Long the God of Thunder Can Stay in the MCU
THOR: Love and Thunder confirms how long Thor (Chris Hemsworth) can still be in the MCU. After the Infinity Saga, only three of the original Avengers remain active in the franchise. That includes the God of Thunder, who is set to continue his personal arc in Thor: Love and Thunder. Set […]
-
Australian Olympian break dancer Rachel Gunn nag-sorry na sa breakdancing community ng kanilang bansa
HUMINGI na ng paumanhin si Australian Olympian Rachael Gunn sa breakdancing community ng kanyang bansa. Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong lumahok siya sa Paris Olympics. Nabigo kasi siya sa B-Girls competitions ng magtala ng zeo points. Dagdag pa ng 36-anyos na breakdancers na nalulungkot siya na […]
-
Pagbubukas ng ilang negosyo para lang sa bakunado, plano ng DTI
Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbubukas ng ilang mga negosyo at ibang aktibidad na hindi pinapayagan habang nakataas ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lugar, subalit para lamang sa mga bakunado. Ayon kay DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte sa isang panayam. kabilang sa […]