• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BEA, ipinasilip ang 16-hectare farm sa Zambales na nabili 10 years ago

NAKAHAHANGA ang 16-hectare farm owned by actress Bea Alonzo sa Iba, Zambales, ang Beati Firma Farm. 

 

 

Ang meaning ng name ay “Blessed Farm.” Maganda, malinis parang sa ibang bansa ang farm.

 

 

Ni-launch ni Bea ang kabuuan ng farm sa kanyang YouTube channel last Saturday evening, March 13, titled “Welcome To Our Farm” (Beati Firma Farm Tour Part 1).

 

 

Kuwento ni Bea, nabili niya ang farm sa pamamagitan ng actress na si Isabel Rivas na may farm din doon, nang sabihin sa kanyang may ipinagbibiling farm doon.

 

 

Year 2011 niya iyon nakuha na isang puno at isang tree house lamang ang naroon.  Pero ngayon, napakaganda na ng farm, napakaraming punong nakatanim, tulad ng mahogany tree (5,000 daw ito pero nung dumaan ang bagyong Ulysses, isang puno ang nabuwal, pero ngayon ay tumutubo na ulit), mangoes, calamansi, at iba pang fruit-bearing trees, may palayan din, kaya kumikita na ang farm na pinamamahalaan ng mommy ni Bea at ng katiwala nilang si Doy.

 

 

Kasama rin ng mommy niya roon ang brother niya at ang wife nito (anak ni Bayani Agbayani) at ang baby girl nila.

 

 

Kasama ni Bea, sakay ng golf cart, si Doy sa paglibot niya sa farm, dahil hindi raw siya kilala ng mga baka, at hinahabol siya.  May mga baboy, sheeps, ducks, gansa at mayroon na rin silang tilapia fish farm.

 

 

Organic farm ang tawag ni Bea sa farm niya dahil hindi sila gumagamit ng mga insecticides at antibiotics, mga natural food ang kinakain ng mga hayop doon.  May small community na sa loob ng farm dahil ipinagpagawa na ni Bea ng kanilang mga bahay ang mga staff niya na nagtatrabaho roon.

 

 

Mahusay daw mamahala ang mommy niya na taga-Quezon kaya marunong ito tungkol sa farming at masinop ang ina sa perang kinikita niya.

 

 

May kasunod pa ang YouTube, part 2, na isasama na ni Bea ang viewers sa bawat lugar ng farm.

 

 

***

 

 

NAGSIMULA na ngang mapanood ang romantic-comedy series na First Yaya na  first time ding pagtatambal nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

 

Pero ang mga viewers, hinihintay na kung paano pahihirapan ng dalawang beauty queens na parehong kontrabida sa serye, si former Miss Universe 1967 na si Ms. Pilar Pilapil na masungit na nanay ni President Glenn (Gabby), si Blesilda, kaya magkakaroon sila ng hindi pagkakasundo ni Yaya Melody (Sanya).

 

 

At si Maxine Medina, former Binibining Pilipinas Miss Universe 2016, as Lorraine na may gusto rin kay President Glenn, kaya magkaribal sila ni Yaya Melody sa puso nito.

 

 

Handa na ba si Maxine sa kanyang role?

 

 

“Yes, ready at excited na akong ilampaso, sampalin, saktan, si Yaya Melody,” sagot ni Maxine.

 

 

“Tapatan at tagisan kami ni Sanya, pero siyempre sa eksena lamang iyon. Best of friends kaming lahat sa seryeng ito, dahil magkakasama kami araw-araw sa lock-in taping namin.  Hindi pa kami tapos at nagti-taping pa rin kami hanggang ngayon.”

 

 

Ang First Yaya ay sa direksyon ni LA Madridejos at napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Rep. Camille Villar, nagbabala sa publiko hinggil sa mga scammers na ginagamit ang kanyang pangalan

    NAGBABALA sa publiko si Las Pinas Rep. Camille Villar sa mga scammers na nagpapakilala o nagi-impersonate sa mambabatas. “It has come to my attention that several persons or entities have been unscrupulously using my name and pretending to be my representatives to defraud unwitting victims,” ani Villar. Nag-aalok ang nagpapakilalang kongresista ng business opportunities o […]

  • Ads March 5, 2024

  • Proud na rumampa sa Cannes, France kasama ang pamilya: ‘Cattleya Killer’ nina ARJO, first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM

    DUMALO ang award-winning actor and first-termer bilang Representative ng Quezon City District 1 na si Arjo Atayde para sa international premiere ng ABS-CBN’s six-part drama series na “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, France.   Ang MIPCOM (Marché International des Programs de Communication), o ang International Market of Communications Programs, ay isang taunang trade show na […]