Bea, sinabihan ng ina na pumili ng lalaking hindi ‘babaero’ sa kanyang YT vlog
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATUTUWA ang recent vlog ni Bea Alonzo sa kanyang You Tube account.
Nakakaaliw sumagot ang mommy ni Bea sa mga tanong na nabubunot nito. Naghahamon pa nga ito na “yun lang ba” raw ang mga comments.
Sa tanong kung sino sa mga ex boyfriend ng anak ang hindi niya gusto, mabilis na sumagot ito nang, “Kailangan pa bang itanong yan?!”
At sa tanong ni Bea kung ano ang ideal man ng ina para sa kanya, binigyang-diin nito na, “dapat hindi babaero!”
Tawanan lang ang dalawa. Walang pangalan na binabanggit ang nanay ni Bea, pero sa mga ex boyfriend ng anak, ang break-up kay Gerald Anderson ang pinaka-sensational.
Wish naman daw ng nanay ni Bea na sana, makapag-asawa ang anak ng mabait at totoong magmamahal dito. At sana raw, “soon!”
(PHOTO: YOUTUBE/BEA ALONZO)
***
HANGGANG ngayon, pinag-uusapan pa rin ang non-renewal of contract ni Janine Gutierrez sa GMA-7.
Wala pa man formal na anunsiyo na lilipat ito ng ABS-CBN, pero yung sighting na nakasama nito sa lunch or dinner ang isa sa unit head ng ABS-CBN na si Deo Endrinal ay naging sapat na sa karamihan ng netizens na mag conclude na magiging Kapamilya nga ito.
Ang tanong, was it a good decision? Sa panahon ng pandemic at sa panahon din na wala pang renewal of franchise na binibigay sa network.
Isa si Janine sa mga gusto naming artista dahil bukod sa mabait ito, mahusay na actress at maganda. So sana nga, good move ang paglipat ni Janine.
Na baka naman nga may plano sa kanya para i take ang risk of changing network.
Bali-balita rin na si Janine raw ang gagawing Valentina sa Darna series. May nabasa na nga kami na kesyo mas maganda pa raw kung sakali si Janine sa gaganap na Darna.
Maganda rin ang role ni Valentina, lalo na sa gusto ng kontrabida genre. Hindi naman siguro kontrabida role ang tinatahak ni Janine bilang pang-bida talaga siya. (Rose Garcia)
-
LRT 1 East Extension may libreng sakay ng 2 linggo
Magbibigay ng libreng sakay ng dalawang (2) linggo ang bagong bukas na Light Rail Transit 2 (LRT2) East Extension kung saan pinagunahan ni President Rodrigo Duterte ang inagurasyon noong July 1. Sinabi ni Duterte sa mga sumasakay na libre ang sakay simula at galing sa dalawang (2) estasyon ng Marikina at Antipolo. […]
-
Brutal na pagpatay sa enforcer ng Navotas, kinondena ni Mayor Tiangco
KINONDENA ni Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang ginawang brutal na pagpatay sa isa sa mga traffic enforcers ng Navotas City na isa ring Philippine Navy reservist. Sinabi ni Mayor Tiangco na nais niyang maparusahan ng batas ang mga na sa likod ng karumaldumal na krimen. “I condemn in the […]
-
EXTENDED MECQ status sa NCR Plus hanggang Mayo 14.
Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ang ekstensyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) classification sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula Mayo 1 hanggang Mayo 14, 2021. Ang Lungsod ng Santiago at Quirino Province sa Region 2 at Abra sa […]