• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bea, tahimik na nagpasabog sa pag-babu sa Star Magic

TAHIMIK lang ang naging transaction o transition ng paglipat ni Bea Alonzo ng management.

 

Mula sa ABS-CBN Star Magic hanggang sa pangangalaga na ngayon ng bago niyang manager na si Tita Shirley Kuan.

 

Kaya biglang pasabog na lang na nag-babu na si Bea sa loob ng maraming taon na management niya. Pero binigyang-diin naman, kahit ng official statement na inilabas ng ABS-CBN na management lang ang pinalitan ng actress, pero mananatili pa rin itong isang Kapamilya.

 

Tahimik lang din naman ang manager na napili ni Bea, pero “beterano” na rin as manager kaya ang daming nagsabi na “Bea’s in good hands.” Siya rin ang forever manager tulad nina Donna Cruz at Albert Martinez.

 

Tinatanong namin si Tita SK kung ano ang mga plano niya ngayon kay Bea, pero ayaw pa nitong magkuwento para hindi siguro ma-pre-empt. But knowing her, siguradong may sarili rin itong pasabog para sa bagong talent.

 

Anyway, dahil may bagong manager na si Bea, mukhang naunsiyami o hindi na itutuloy ni Bea ang nakarating sa aming plano raw sana nitong magpahinga muna kahit one year.

 

*****

 

SINALUBONG ni Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang social media account din ang pagbati sa kanyang boyfriend na si Ion Perez.

 

At sa message ni Vice, ramdam na ramdam kung gaano kasaya ang puso nito ngayon, lalo pa nga’t napaka-open ng relasyon nila.

 

Maging ang mga kaibigan ni Vice ay bumati kay Ion at nagandahan sa message nito.

 

Sey ni Vice, “Di ko alam kung anung caption ang ilalagay ko. Gusto kong mag isip ng bonggang mga salita. Pero hindi eh. Nung dumating ka naging pinakamaganda kung ano ung pinakasimple. Kung ano ung totoo yun ang maganda. Kung ano yung sinsero yun ang maganda. Kaya di ko na aartehan.

 

      “Happy Birthday Benigno!!!

 

“Araw araw magdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka nya. Na ipahintulot nyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras. At sana bigyan nya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong makapiling ka pa. Gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa. Gusto kong mahalin ka pa. Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masaya. At hanggat mahal kita yung mundo ko mananatiling maganda!

 

Happy Birthday Noy!!!!!

 

Mahal na mahal ka ni Tutoy!”

 

*****

 

FINALLY ay mapapanood na ang pelikulang Tagpuan.

 

      Ang original na magka-loveteam na sina Congressman Alfred Vargas at Iza Calzado ay muling mapapanood na magkatambal sa isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2020 sa pelikulang Tagpuan na prinodyus din ni Alfred.

 

Kahit gaano ka-busy bilang isang public service, talagang naitatawid pa rin ni Alfred ang buhay niya bilang isang artista.

 

      “Mahal natin yung arts, mahal natin ang ginagawa natin. I love being an actor as well as being a producer,” saad niya.

 

In fairness, ang dami nga namang pinagdaanan ng movie nila na kinunan din nila sa ibang bansa.

 

“Sobrang dami naming pinagdaanan dito. Sumali kami last year sa Metro Manila Filmfest pero hindi pinalad. Sumali sa Summer MMFF, okay naman, kaso nagkaroon bigla ng pandemic. Pero ngayon, finally, nagkatagpo-tagpo na rin kami rito.

 

“I’m just very, very happy and excited and I just wanna say na it’s very amazing to work with Iza Calzado again and for the first time, to work with Shaina Magdayao who’s one of the best actresses of today’s generation.”

 

Nagpasalamat din ito sa pamunuan ng MMFF na kahit nga raw may COVID-19 at may pandemic, ginagawa pa rin nito ang posible pa rin magawa para lang mabuhay pa rin ang pelikulang Filipino. (ROSE GARCIA)

Other News
  • ‘Late submission’: Ilang COVID-19 testing laboratories, sinuspinde – DOH

    Isang laboratoryo na humahawak ng COVID-19 testing ang sinuspinde ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy umano nitong paglabag sa mandato na mag-submit ng mga datos sa itinakdang deadline ng ahensya.   Hindi pinangalanan ng ahensya ang pasilidad, pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na isa sa malalaking laboratoryo ang napatawan ng […]

  • DTI bantay sarado sa ‘price freeze’ sa mga lugar na nasa state of calamity

    MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng basic necessities na naka “price freeze” bunsod ng deklarasyon ng state of calamity sa Metro Manila at Batangas.         “In view of the Metro Manila Council (MMC) and the Department of the Interior and Local Government’s (DILG) declaration […]

  • CONVERSATION SA PAGTAKBO NI YORME ISKO, FAKE NEWS

    ITINANGGI ng Manila Public Information Office (Manila-PIO) ang kumakalat na di-umano’y private conversation kaugnay sa pagtakbo umano sa Presidential race ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.     Ayon kay Julius Leonen, Manila-PIO chief na ang palitan diumano nila ng mensahe sa isang reporter ay hindi nag-e-exist.     Sa nasabing conversation, nabanggit ang pagsabak ni […]