SUPPLIER NG PARTY DRUGS NATIMBOG NG PDEA AT
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
HULI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa umanong supplier ng party drug na ecstacy. January 13, 2021 nang ikasa ang operasyon laban sa suspek na si Jhun Cabaya alias SkyHigh 33 years old na mula sa Manggahan, Pasig.
Dakong alas 5:20pm nang matimbog si alyas SkyHigh ng mga awtoridad sa may bahagi ng Mother Ignacia Barangay West Triangle sa QC. Ayon sa PDEA at QCPD isang buy bust operations ang nangyari sa pagitan ng suspek at mga undercover agents.
Nakuha mula sa posesyong ng suspen ang 25 capsules ng fly high party drugs na may street value na aabot sa P45,000 at 300ml na liquid ecstasy na aabot ang street value sa P90,000. Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act si Cabaya. (RONALDO QUINIO)
-
PBBM sa anti-poverty commission, alamin at kilalanin ang ‘problematic’ areas, makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya
KAAGAD na nagbigay ng kanyang marching order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) para alamin at kilalanin ang mga o identify ang “problematic” communities at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino indigents. “‘Yung mga ibang lugar na talagang hindi makabangon dahil […]
-
COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA
BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon. Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong December 17 ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR […]
-
NCR mananatili sa GCQ – Duterte
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City. Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive. “Ang […]