Beauty Queen na si CANDICE, ‘di nagdalawang-isip na tanggapin ang daring role dahil fan ni Direk ERIK
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
ANG makatrabaho si Erik Matti ang primary reason kung bakit hindi tumanggi si Candice Ramos na tanggapin ang movie na A Girl and A Guy, na ipalalabas sa Upstream.ph bilang initial offering ng Upstream Originals.
Fan si Candice ng On The Job, ang award-winning film ni Direk Matti kaya when she was offered the role, hindi na siya nagdalawang-isip, kahit pa na very sexy ang pelikula.
Ayon naman kay Direk Eric, perfect sa role bilang predator si Candice.
At nakaka-relate si Candice sa kwento dahil part din siya ng Gen Z na siyang target audience ng pelikula. Kwento ng Gen Z ang A Girl and A Guy, how they cope with the challenges of the times.
Puring-puri ni Direk Erik si Candice, and other cast members like Sarah Holmes, Alexa Miro, Rosh Barman at Emilio Francisco.
“I love it that they trusted me and the vision that I have for the film. Hindi maganda lalabas ang pelikula if I don’t have intelligent actors who understand their roles and how they are supposed to do it. Konting explanation ko lang sa kanila, alam na nila how to do the scene,” kwento ni Direk Eric.
Candice was crowned Miss Philippines Eco Tourism 2012 kaya marami ang nagulat nang malaman na tinanggap niya ang daring role sa A Girl and A Guy.
Ibang-iba sa tunay niyang personality sa tunay na buhay ang role ni Candice sa pelikula. Pero nauunawaan niya ang intensiyon ng pelikula that’s why she embraced the role fully.
Pero mapangahas man ang role, with matching nudity, naniniwala naman si Candice na if we watch the film, maiintindihan natin why the members of the Gen Z act that way.
A Girl and A Guy will be streamed sa Upstream.ph starting June 24. It is going to be a worldwide release.
***
FIRST lead role ni Paolo Gumabao ang BL movie na Lockdown.
If you don’t know Paolo yet, siya ay anak ng dating actor na si Dennis Roldan.
Siya ang lumalabas na trusted aide ni Eula Valdes sa widely-followed series na Huwag Kang Mangamba.
Siya ang nagbibigay ng impormasyon kay Eula kung ano ang ginagawa nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz). Kasabwat siya ni Eula sa mga panloloko nito bilang fake healer.
Unang movie ni Paolo ang Lockdown at napasabak agad siya sa matinding acting under the direction of Joel Lamangan.
Ayon sa nasagap naming chika, yummy si Paolo sa movie. Hindi lang namin sure kung may frontal nudity si Paolo dahil hindi naman nabanggit ng aming source.
Pero may promise daw si Paolo bilang actor at marami raw ang mabibighani sa kanya once mapanood ang Lockdown.
Ipalalabas ito sa KTX.ph, Upstream at RAD on July 23.
(RICKY CALDERON)
-
Matapos ang matagumpay na grand launching, BPSF iikot na rin sa iba pang probinsya
IIKOT ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair – ang pinakamalaking service caravan sa bansa, sa lahat ng probinsya sa buong bansa upang makapaghatid ng serbisyo sa milyong Pilipino, kasunod ng matagumpay na grand launching ng programa sa apat na probinsya noong Sabado. Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isa sa pangunahing organizer ng service […]
-
Kahit malapit nang ma-divorce sa estranged husband: MICHELLE, ramdam ang lungkot dahil ‘di na buo ang pinangarap na pamilya
TYPE i-revive ni Saviour Ramos ang Sexballs Dancers na ang mga original members ay sina Michael V., Antonio Aquitania, Ogie Alcasid at ang ama niyang si Wendell Ramos. Unang lumabas ang Sexballs Dancers sa isang segment ng Bubble Gang hanggang sa naging most-requested performance na ito ng naturang gag show. Noong […]
-
Benepisyo ng Bagong Pilipinas ramdam na ng publiko
IPINAGKIBIT- balikat ng mga kinatawan ng Kamara ang patutsada ng ilan na wala umanong saysay ang Bagong Pilipinas campaign, isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa mga kongresista, ang dapat tanungin ng mga kritiko ay ang mga taong nakinabang sa bilyun-bilyong pisong halaga ng cash assistance at livelihood program […]