• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARKING ATTENDANT, PATAY SA SUV

NASAWI   ang isang parking attendant matapos mabangga ng isang SUV habang tumatawid sa kahabaan Taft Avenue sa  Maynila.

 

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical  Center ang biktimang si Jimmy Castro, 50, may live in partner  ng  694 TM Kalaw St, Ermita, Maynila.

 

Hawak naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang  driver ng  2016 Toyota Fortuner na kulay  Bronze  at may plakang  PN NCE 7061 na si  Dr. Apolinario Tablan Jr y Cortez, 67, may-asawa,  Eurologist ng B7 L7 Domenico St, Portofino Heights, Las Pinas City .

 

Sa inisyal na imbestigasyon  base sa testimonya at ibinahagi na dashcam ni Dr.Cortez, binabaybay nito ang kahabaan ng Taft Avenue northbound kanto ng Kalaw St., Ermita nang pagtawid sa intersection ng Kalaw  nang biglang patawid  naman ang biktima patungo sa Silangang bahagi ng Kalaw St., habang ang traffic light naman ay naka-green light pa o naka-Go.

 

Dahil dito, ang harapang bahagi ng SUV  ay nabangga ang tumatawid na biktima  dahilan naman para tumilapon pa ng ilang metro sa kalsada.

 

Agad namang naisugod ng Lapaz Makati Rescue  ang biktima sa naturang pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

 

Ang labi ni Castro ay dinala sa HPT Funeral Services para sa autopsy.

 

Habang si Dr.Cortez ay nanatili sa MPD-TEU para sa imbestigasyon at tamang disposisyon sa kaso. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Isaiah 43:1

    You are mine.

  • Nilunok ang pride para maka-survive sa Amerika: PACO, binalikan ang paghihirap sa pagiging kargador, kahero at tagalinis ng banyo

    KINUWENTO ng Introvoys member na si Paco Arespacochaga ang naging buhay niya sa Amerika noong magdesisyon siyang iwan ang Pilipinas noong 2001.     Sa programang ‘Magandang Buhay’ ay ni-reveal ni Paco na hindi natuloy ang dapat na pagtrabaho niya sa isang international record label dahil wala siyang mga legal documents. Dahil sa kahihiyan ay […]

  • North-South rail contract packages, nilagdaan

    NILAGDAAN noong Friday ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at Asian Development Bank (ADB) ang contract packages ng south commuter section ng North-South Commuter Railway System kung saan naging witness si President Ferdinand Marcos.   Sa kanyang speech, nangako si Marcos na sisiguraduhin ng pamahalaan na magkakaron ng consistency sa mga polisia […]