• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Beda may bala na panlaban sa Letran

ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th  National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre.

 

Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions.

 

Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan.

 

“Alam natin na Letran is the defending champion so we are trying to redeem ourselves that we loss the crown last year,” bigkas kamakalawa ng counterpart ni Tan na si Teodorico (Boyet) Fernandez III.

 

Nawala na sa bakuran ng SBU sina seniors Clint Doliquez at AC Soberano na mga umakyat na sa  Philippine Basketball Association (PBA), pero hinirit ng Beda coach na may mga alas pa  rin siya para ipambala sa karibal a nalalapit na pagbubukas ng ika-96 na edisyon nang pinakamatagal ng liga ng kolehiyo sa bansa.

 

“We have,” giit na ng 49-anyos na tactician hinggil sa mga bagong recruit. “Medyo marami-rami nga, pero we are holding that for now kasi nga gusto naming i-secure.”

 

Mangunguna sa mga mga bagong salta pero palaban sa pulang leon ang Red Cubs champions o nakatapos na ng haiskul na sina Rhayyan Amasali, Winston Ynot, Justine Sanchez at Yukien Andrada.

 

Pero may mga nakuha ring matitinik na rekrut ang Knights sa pangunguna naman ni Rhens Joseph Abando na lumayas ng University of Santo Tomas Growling Tigers men’s basketball team ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

Si Amsali ay beterano ng international competition sa pagiging miyembro datin ng Batang Gilas PIlipinas.

 

Pihadong magandang bakbakan iyan kapag natuloy ang liga sa pagkawala ng Covid-19.

 

Abangan po natin mga mahal kong mambabasa ng People’s Balita.

Other News
  • Ads March 7, 2022

  • 2 days bago matapos ang ‘GCQ with restrictions:’ Higit 7,300 bagong COVID case – DOH

    Mula sa 8,027 kasabay ng 123rd Independence Day kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Linggo ng bahagyang mababa sa 7,302 na dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID).     Mayroon namang 7,701 na gumaling habang 137 ang pumanaw.     Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% […]

  • Isa sa tatlong stories na pini-pitch sa producers: JOROSS, gustong mai-direk sina ANGEL, BEA at JUDY ANN

    PAGKATAPOS na makilala bilang aktor, gusto naman ngayon ni Joross Gamboa na makilala bilang direktor.   May tatlong stories na ipi-pitch si Joross sa ilang producers na dasal niya ay mabigyan ng chance na magawa.     “Gusto ko, ‘yung idi-direct ko, ako rin ang magsusulat. One is a sports comedy with a twist. Magugustuhan […]