• April 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga negosyante sa Baguio nag-‘yes’ sa Lacson-Sotto platform

UMANI ng papuri sina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III mula sa mga negos­yante at miyembro ng Rotary Club International District 3790 Cluster 1C dahil sa mga iprinisinta nilang mga plano at programa sa kanilang pagbisita rito.

 

 

Malaki ang pag-asa ng mga grupo na nasa sektor ng negosyo na makakaya ng Lacson-Sotto tandem na maihatid ang pagbabago na kailangan ng bansa, kung silang dalawa ang magiging mga pinuno sa susunod na anim na taon.

 

 

Mismong si Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong ang nagpakilala kina Lacson at Sotto sa ginanap na dayalogo kasama ng mga Rotarian at mga mamamahayag. Kasunod ito ng pag-endorso ng alkalde sa tambalan ng dalawang batikang public servant bilang mga susunod na presidente at bise presidente.

 

 

Sa ginanap na forum sa Newtown Plaza Hotel nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Lacson kung paano nila isasagawa ang kanilang mga plano na ‘Aayusin ang Gobyerno at Uubusin ang Magnanakaw’ upang magkaroon ng pangmatagalang kaunlaran hanggang sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.

 

 

Para mahimok ang mga botanteng Pilipino na pumili ng tamang kandidato, ibinigay na halimbawa ni Lacson ang isang 35-anyos na ama at kanyang pamil­ya na posibleng umahon sa buhay o mas masadlak sa kahirapan pagsapit ng 2028 o pagtapos ng anim na taong termino ng susunod na admi­nistrasyon.

 

 

Kabilang sa mga natalakay sa forum ang tungkol sa pagpapaunlad ng mga lugar na malayo sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment program ng Lacson-Sotto tandem. Gayundin ang tungkol sa mining industry, isyu sa mga political appointee at modernisasyon sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ni Magalong na ang progreso ng Summer Capital of the Philippines sa nakalipas na tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay mararanasan din sa buong bansa kung bibigyang pagkakataon sina Lacson at Sotto na mamuno sa mga Pilipino.

Other News
  • La Salle swak sa Final 4

    NAIPORMALISA ng De La Salle University ang pag-entra sa Final Four matapos sikwatin ang 64-51 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.     Bago makuha ang panalo, dumaan muna sa matinding pagsubok ang Green Archers kung saan tabla sa 43-all ang iskor sa […]

  • Thankful sa pagiging kontrabida: LIEZEL, pinaghandaan ang mga confrontation scenes nila JASMIME

    NASA South Korea na ang runners para sa second season ng ‘Running Man Philippines!’     Sinalubong ng winter season sa South Korea sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, and Angel Guardian.     Ngayong second season, extra challenging ang labanan dahil tag-lamig at nagyeyelo pa sa South […]

  • ‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo

    Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses.     Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mi­xing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal.     […]