Belga, Quinahan, Guiao magkakasama-sama uli?
- Published on January 27, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBUNGA ng dalawang kampeonato ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Rain or Shine noong 2011-16 ang pagsasama-sama nina Extra Rice tandem Beau Michael Vincent Belga at Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan, at coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.
Pero nagkahiwalay-hiwalay ang tatlo ang tatlo pagkaraan.
Nakapako sa RoS si Belga mula noon hanggang ngayon, si Quiñahan ay na-trade sa GlobalPort na NorthPort Batang Piersa ngayon sa taong 2016 bago napadpad sa sumunod na taon sa North Luzon Expres, na nilipatan din ni Guiao noong 2016 sa paglisan sa Elasto Painters.
Sa pagkawala ng malaki niyang manlalarong si John Paul ‘Poy’ Erram nitong 2020 sa Talk ‘N Text o TNT, kumikilos ngayon si Guiao na makuha si Belga sa RoS para sa reunion nilang tatlo ni Quiñahan sa Road Warriors.
Kung sumablay, nasa radar din ng 61-anyos na veteran coach sina Victorino ‘Vic’ Manuel ng Alaska Milk at Justin Chua ng Manila Electric Company o Meralco.
Hindi nga lang para magpakawala ng key player ang bench tactician makakuha lang ng malaki.
Ani Guiao, gagamitin niya lang ang dalawang first round pick ng NLEX, ang 3rd-4th sa nakatakdang Online 36th PBA Rookie Draft 2020 sa parating na Marso 14.
Sa paniniwala ng former national men’s basketball team, may ibubuga pa ng ilang taon si Extra Rice’ kaya natitipuhan niya.
Makakatulong ito ni Quiñahan sa pandobleng depensa kay six-time pro league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.
Abangan po natin ang susunod na kabanata.
Hanggang bukas po uli mg aka-Opensa Depensa. (REC)
-
Obispo, dismayado sa “white sand project” sa Manila bay
Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa hindi napapanahong proyekto ng pagpapaganda at paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic. Sinabi ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas na hindi naaangkop na […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 49) Story by Geraldine Monzon
KAHIT NAGSESELOS kay Jeff ay nagagawa ni Jared na kontrolin ang sarili. Habang si Jeff naman ay hindi maitago ang nararamdaman ng puso kaya ipinapakita talaga niya ang inis sa pinsan niyang iniisip niyang kaagaw kay Andrea. Hanggang sa napuno na rin si Jared sa kaangasan ni Jeff at hindi na napigilan ang pag-igkas […]
-
Inaangkat na frozen meat posibleng magdala ng ASF, iba pang sakit
POSIBLE umanong makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inaangkat na frozen meat sa bansa, ayon sa agriculture expert. “’Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm… (Sa imported frozen meat) depende ho […]