• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Belga, Quinahan, Guiao magkakasama-sama uli?

NAGBUNGA ng dalawang kampeonato ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Rain or Shine noong 2011-16 ang pagsasama-sama nina Extra Rice tandem Beau Michael Vincent Belga at Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan, at coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.

 

 

Pero nagkahiwalay-hiwalay ang tatlo ang tatlo pagkaraan.

 

 

Nakapako sa RoS si Belga mula noon hanggang ngayon, si Quiñahan ay na-trade sa GlobalPort na NorthPort  Batang Piersa ngayon sa taong 2016 bago napadpad sa sumunod na taon sa North Luzon Expres, na nilipatan din ni Guiao noong 2016 sa paglisan sa Elasto Painters.

 

 

Sa pagkawala ng malaki niyang manlalarong si John Paul ‘Poy’ Erram nitong 2020 sa Talk ‘N Text o TNT, kumikilos ngayon si Guiao na makuha si Belga sa RoS para sa reunion nilang tatlo ni Quiñahan sa Road Warriors.

 

 

Kung sumablay, nasa radar din ng 61-anyos na veteran coach sina Victorino ‘Vic’ Manuel ng Alaska Milk at Justin Chua ng Manila Electric Company o Meralco.

 

 

Hindi nga lang para magpakawala ng key player ang bench tactician makakuha lang ng malaki.

 

 

Ani Guiao, gagamitin niya lang ang dalawang first round pick ng NLEX, ang 3rd-4th sa nakatakdang Online 36th PBA Rookie Draft 2020 sa parating na Marso 14.

 

Sa paniniwala ng former national men’s basketball team, may ibubuga pa ng ilang taon si Extra Rice’ kaya natitipuhan niya.

 

 

Makakatulong ito ni Quiñahan sa pandobleng depensa kay six-time pro league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

 

 

Abangan po natin ang susunod na kabanata.

 

 

Hanggang bukas po uli mg aka-Opensa Depensa. (REC)

Other News
  • DOST-FNRI launches ‘new variant’ of enhanced nutribun made of carrots

    The Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) launched its newest innovation: an enhanced nutribun made of carrots.     “Carrots is like a squash and other colored fruits and vegetables that contain beta carotene. (Beta carotene) when ingested will be metabolized to vitamin A that helps keeps the eye healthy, and […]

  • PDu30 wala pang 2nd dose ng bakuna laban sa Covid -19

    PINASINUNGALINGAN ng Malakanyang ang naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “mistakenly informed” di umano si Durante ng kanyang medical staff na nabigyan na nga ng second dose si Pangulong Duterte.   “This is […]

  • MAKIBAHAGI SA BLOOD DONATION DRIVE SA CHINESE GENERAL HOSPITAL

    Bilang isa sa mga unang salvo ng paggunita sa Blood Donors Month ngayong July 2020 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1021 (1997, President Fidel Ramos), gaganapin ang isang blood donation drive sa Chinese General Hospital College (CGH College) sa darating na July 11, 2020, araw ng Sabado mula ika-pito ng umaga hanggang ika-dalawa ng hapon. […]