• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Belmonte nagapela na buksan ang 2 intersections sa EDSA

Nagapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng ESA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.

 

Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and Development Authority (LTFRB) upang makiusap na buksan ang interchanges sa EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue.

 

“We made the request in response to the numerous complaints we received from motorists. While we fully support the national government’s transportation initiatives, particularly the EDSA Bus Carousel project, we have to do a balancing act so that we won’t compromise the welfare of those using EDSA,” wika ni Belmonte.

 

Nagmungkahi din si Belmonte na muling buksan ang ibang U-turn slots na sinara ng national government upang bigyan daan ang EDSA Bus Carousel project.

 

Nakita rin na ang pagbabawas ng lanes sa Balintawak Cloverleaf upang lagyan ng exclusive lane ang EDSA Bus Carousel ay nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa nasabing lugar.

 

Ayon pa rin sa kanya kung mapagbibigyan sila sa kanilang pakiusap ay makakaasang magkakaron ng improvement sa mga nasabing lugar lalo na at  palapit na ang kapaskuhan at dahil na rin sa pagluluwag ng general community quarantine guidelines.

 

“The city government is ready to work with authorities to find ways in improving the flow of traffic in intersections, U-turn slots and bus loading bays within the city,” dagdag ni Belmonte.

 

Sinabi rin ni Belmonte na nagdagdag sila ng traffic enforcers sa mga affected na lugar at nakipagusap na rin sila sa MMDA upang buksan ang mga access roads upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng traffic.

 

Dagdag pa niya na ang local government ng Quezon City ay naghahanap rin ng mga iba pang solusyon upang bigyan ukol ang mga sikip na pangunahing lansangan sa lungsod lalo na ngayon Yuletide season.

 

Si MMDA general manager Jojo Garcia naman ang nagsabi na ang traffic engineers ng kanilang ahensiya ay pinag-aaralan kung maaaring gawin ang muling pagbubukas ng EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue interchanges ganon din ang ibang U-turn slots sa EDSA upang mabawasan ang pagsisikip ng traffic sanhi ng pagsasara ng mga ito.

 

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA kay QC Mayor Belmonte tungkol sa proposal na ito.  (LASACMAR)

Other News
  • Ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, inendorso ng mambabatas

    INENDORSO ni Assistant Minority Leader at Camarines Sur Rep.Gabriel Bordado Jr. ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.   Nakapaloob sa complaint, na inihain ng koalisyon ng Catholic priests at civil society groups, ang akusasyon ng paglabag sa public trust, at betrayal of the Constitution.   “This decision is not made lightly […]

  • Dedma na sa gustong mang-intriga sa kanilang pagsasama: MARIAN, ipinagtapat na si DINGDONG talaga ang pinakasagot sa mga dasal niya

    SA YouTube vlog ni Celeste Tuviera, ipinagtapat ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na ang asawang si Dingdong Dantes, ang talagang sagot ng Diyos sa kanyang mga dasal.        “Isa ito sa ipinagdasal ko kay Lord, sabi ko, ‘Lord gusto kong magkaroon ng asawa, isang responsible, na bibigyan ako ng anak at simpleng buhay,” pahayag ni Marian.     “Basta masaya […]

  • DEREK at ELLEN, nagpalitan ng ‘sweet messages’ sa kaarawan ng aktor; netizens todo-react na naman

    SUPER sweet ng birthday message ni Ellen Adarna sa sexy hubby niya na si Derek Ramsay na pinost sa kanyang IG account ng mga photos nila.     Caption ni Ellen, “You make my mornings more beautiful. I love you my forever Gor. Husband Birthday Dump.”     Sagot naman ni Derek, “My life has […]