Bentahan ng alcohol sa supermarkets, limitado sa 2 bote kada kostumer – DTI
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
NILIMITAHAN na simula kahapon (Miyerkoles) sa 2 bote kada kostumer ang bentahan ng alcohol sa mga supermarket kasunod ng paglakas ng pagbili sa produkto bunsod ng dumaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Napagkasunduan ang limitadong bentahan sa pulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer ng alcohol at may-ari ng mga supermarket.
Kung lalong lumakas ang pagbili ng mga tao sa mga pangunahing bilihin, pag-aaralan din ng DTI na limitahan ang bilang ng mga produktong maaaaring bilhin, sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.
Nagkalat ngayon sa social media ang mga larawan na ilang Pilipino ang sumugod sa mga pamilihan nitong mga nagdaang araw para bumili ng mga pagkain at panlinis sa katawan. Nakasabay ito ng pagkalat ng mga maling ulat na posibleng isailalim sa lockdown ang Metro Manila dahil sa dami ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar.
Ayon pa kay Lopez, nauubusan lamang ng alcohol at sanitizers na idinidisplay sa mga pamilihan ngunit hindi ibig sabihin nito na mayroong kakapusan sa suplay.
Giit pa ng opisyal, “daily basis” lamang ang naturang paglilimita.
Kasabay nito, tiniyak din naman ng mga alcohol manufacturer na Green Cross at Philusa na sapat ang supply ng kanilang mga produkto.
“Our company’s doing our best to supply the needs of the Filipino consumers,” ani Green Cross group product manager Mariz Luis.
Sambit naman ni Philusa President Neogin Evangelista, “we’re doing our best to be able to supply the current demand.”
Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi kailangan ng publiko na mag-panic buying o bumili ng bulto-bultong pagkain at panlinis sa harap ng dumaraming kaso ng COVID-19.
Bukod sa gobyerno, maging ang grupong Philippine Amalgamated Supermarkets Association ay nanawagan sa publiko na huwag bumili nang sobra sa kailangan.
Samantala, inaayos na ang pang-angkat ng 2 milyong piraso ng face mask sa India.
Dahil pumapatak sa P25 ang presyo ng imported face mask, lagpas sa P12 suggested retail price (SRP), ipapaalam ng DTI sa Department of Health kung puwedeng itaas ang SRP, ayon kay Castelo.
-
Disney’s Live-Action ‘Pinocchio’ Trailer Reveals the Wooden Boy / James Cameron’s Remastered Version of ‘Avatar’ Returns to Philippine Cinemas
DISNEY’S live-action adaptation of Pinocchio has dropped a new trailer, and it finally gives us a good look at the iconic character from the classic Disney film. Watch the new trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=hL5SSIRBatk After Beauty and The Beast, Mulan, Lion King, and Aladdin, the beloved tale of Pinocchio is next to […]
-
NAVOTAS COASTAL DEVELOPMENT
MASAYANG ibinalita nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na nagbunga na ang matagal nia nilang plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development. Ayon kay Mayor Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanuhan nila ni Cong. John Rey kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin […]
-
South Korea, No. 2 sa COVID-19
Umakyat na sa 156 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa South Korea. Nadagdagan pa ng 52 ang kumpirmadong kaso ng virus, ayon sa naitalang record nila. Bunsod nito, ang South Korea ang itinuturing na pinakagrabeng tinamaan ng virus sa labas ng China. Iniuugnay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng […]