Bentahan ng PNP uniforms, hihigpitan
- Published on February 23, 2023
- by @peoplesbalita
PINAHIHIGPITAN ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang bentahan ng mga police uniforms kasunod ng pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang escorts nito ng anim na kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform, nitong Linggo.
Ayon kay Azurin, bukod sa rehistrado ang mga outlet ng police uniforms, mas makabubuti na hingan din ng identification card ang mga mismong bibili at ire-record.
Inatasan na ni Azurin ang kanyang mga regional directors na alamin ang mga accredited contractor at authorized outlet ng mga uniform sa kanilang mga nasasakupan upang mamonitor ang mga bumibili ng uniporme ng mga pulis.
Maging ang mga nagbebenta ng police uniforms sa online ay binabantayan na rin ng anti-cyber crime division ng PNP.
Bukod kay Alameda, patay din sina Alexander Agustin Delos Angeles, Alvin Dela Cruz Abel, Abraham Dela Cruz Ramos, John Duane Banag Almeda, at Ismael Nanay.
Natagpuan namang sunog sa Brgy. Uddiawan, Solana ang Mistubishi Adventure na gamit ng mga suspek sa checkpoint sa Bagabag, Nueva Vizcaya nang maganap ang ambush.
Sa beripikasyon sa Land Transportation Office, ang red plate na SFN 713 na nakalagay sa Mitsubishi Adventure nang mangyari ang krimen ay pinaniniwalaang ninakaw dahil nakarehistro ang nasabing plaka sa Nueva Vizcaya State University.
Naniniwala si Azurin na nagsuot lamang ng police uniforms ang mga suspek upang magmistulang legal ang checkpoint at lituhin ang imbestigasyon.
Gayunman, inutos pa rin ni Azurin ang malalimang pagsisiyasat sa krimen. (Daris Jose)
-
Bello kay Duterte: Ibaba na ang quarantine status, mga manggagawa hirap na
Pinangangambahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang muling pagdami pa ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng bansa. Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na noong unang linggo ng ECQ ay mahigit 8,300 manggagawa ang naapektuhan ang trabaho sa NCR […]
-
2 TULAK TIMBOG SA P170-K SHABU
Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang natimbog matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Pinuri ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek […]
-
Pinas, naiwasan ang bagong Covid-19 surge dahil sa vax, pagsunod sa protocol – PDu30
NAIWASAN ng Pilipinas ang panibagong surge ng Covid-19 cases sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Covid-19 vaccinations at pagsunod sa minimum public health standards. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi. “If I were to judge myself, the one single thing that […]