Best case scenario sa ekonomiya ng bansa, maaaring maramdaman pa sa katapusan ng 2021- NEDA
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
TINATAYA ng gobyerno na sa katapusan pa ng 2021 mararamdaman ng bansa ang “best case scenario.”
Ito ang inihayag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa harap na rin ng inaasahang pagkakaroon na ng bakuna kontra corona virus.
Aniya, ito ang panahong maaari nang maka- rebound ang bansa sa bumagsak nitong economic growth performance.
Sinasabing 2016 hanggang 2019 ay nasa 6.6 percent ang economic growth performance ng bansa habang nasa 3 percent stable average inflation rate nito.
Ganunpaman, inihayag ni Edillon na bago pa man natin marating ang best case scenario ay naniniwala silang unti- unti na ding papalo ang ekonomiya gayung bukas na naman ang maraming mga negosyo bagamat hindi pa full blast ang mga ito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Kongreso, inaprubahan na ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase
APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase o ang House Bill (HB) No. 6772. Nakakuha ito ng 273 na boto, samantalang tatlong hindi pabor sa mababang kapulungan kung saan ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspindehin ang increase ng premiums […]
-
Denden umawra sa Olympic website
PAGKARAAN ni volleyball ‘phenom’ Alyssa Valdez na rumampa sa website ng Olympic Channel si “Iron Eagle” Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla naman ang sumunod. Tinampok sa sports website ang volleyball career at achievements ng former national team libero, University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP), at incoming player ng Choco Mucho Flying Titans sa pagtawid […]
-
National karatekas maagang magtutungo sa France
Mas maagang magtutungo ang mga national karatekas sa Paris, France para sumabak sa World Karate Championship, ang pinakahuling qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games. Ito ay dahil sasailalim pa sina 2019 SEA Games gold medalist Jamie Lim, Fil-Am Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Joco Vasquez, Sarah Pangilinan at Jason Macaalay sa […]