• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Best Night Ever’ ang naging experience niya… KIM, sobrang saya na nakapanood ng Blackpink sa Georgia, USA

NAPAKASAYA ni Kim Chiu na nakapanood ng concert ng Blackpink sa Georgia, USA.  

 

 

Bukod pa kasi sa experience na ‘yon, nakapag-travel si Kim mula sa Las Vegas (kunsaan ang ASAP in Vegas) sa Georgia na mag-isa at isang backpack lang ang dala.

 

In bold letters na “Best Night Ever” raw para kay Kim ang nangyaring concert at naging experience niya.

 

Sey ni Kim sa kanyang Instagram account, “No words!!! Simply the best night ever!!! Best concert ever!!! Best girls ever!!! Best Side trip ever!!! Ever na sa lahat ng ever!

 

“Eight hours of standing was super worth it saw them up close and personal with matching eye contact, wave wave and smile smile.  Ang ganda and ang saya ng concert!!! From sound check to the performance. OA yung feeling kahit na nilalabanan ko ang jet lag ko and all grabe no words can describe as Blink, this trip is super-mega worth it.

 

“I flew back and forth early morning alone to Georgia back to Vegas with happiness and kilig in my blink heart.”

 

Siyempre, napapa- “sana all” na lang kay Kim ang ibang netizens at ‘yung iba naman, nainggit na ang lapit daw ni Kim sa stage.

 

***

 

GRABE na talaga, pati ang top-rating game show ng Kapuso network, ang Familu Feud ay ginagawang raket na rin at ginagamit sa panloloko.

 

Nag-post nga ang host ng show na si Dingdong Dantes ng tungkol dito at nag-warning din, lalo na sa mga sumassali sa Guess to Win Promo.

 

Ayon kay Dingdong, “Maraming kababayan natin ang sumasali sa Guess to Win Promo ng Family Feud. Nagpapasalamat kami sa walang sawa at patuloy ninyong pagtangkilil sa promo at sa ating programa.

 

“Ngunit sa gitna ng kasiyahang hatid ng ating palabas, ginagamit naman ito ng mga oportunista para manamantala at mambiktima ng ating mga kababayan.”

 

“Maging ang pangalan ko ay kiZnakasangkapan na rin ng mga taong ito para makapanloko.”

 

At sinabi rin niya na walang ibang grupo o indibidwal ang awtorisadong magbigay ng premyo sa mga nanalo.”

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads March 18, 2023

  • Martes athletics coach na

    HINDI na nalalayong maging full-time track and field o running coach sa hinaharap si women’s marathon queen Christabel Abenoja Martes ng Baguio City.   Napabilang ang 7th Pattaya Asian Marathon Championships 2000 sil- ver medalist sa 12 pumasa buhat sa 24 na lumahok sa makasaysayang 14 na araw na World Athletics (WA) Coaches Education Learning […]

  • ‘The Prayer’ ni Marcelito Pomoy napiling ‘video of the year’ ng YouTube

    Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy.   Kinilala kasi ang kanyang performance bilang YouTube video of the year sa Pilipinas kaugnay ng kanyang bersiyon sa “The Prayer.”   Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy.   Kinilala kasi ang kanyang performance bilang YouTube video of the […]