• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Martes athletics coach na

HINDI na nalalayong maging full-time track and field o running coach sa hinaharap si women’s marathon queen Christabel Abenoja Martes ng Baguio City.

 

Napabilang ang 7th Pattaya Asian Marathon Championships 2000 sil- ver medalist sa 12 pumasa buhat sa 24 na lumahok sa makasaysayang 14 na araw na World Athletics (WA) Coaches Education Learning System (CELS) Level 1 Philippine Edition nito lang Disyembre.

 

Ikalawa pa lang ang full online coaching course na ito ginanap sa mundo at una sa Area Development Center sa Southeast Asia at South Asia. Puwede na ang mga passer na mag-Level 2.

 

Nagsilbing lecturers sina Anbarasu Subramaniam ng Sabaj Athletics Association, Maria Jeanette Obiena ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at dating national coach Joseph Sy sa pag-asiste ni IT Tyne Artiaga-Pantangco ng PATAFA rin.

 

Kabilang sa running achievement pa ni Martes, 41, tubong La Trinidad pero sa Baguio na residente, ang pagiging two-time Sutheast Asian Games champion at five-time National MILO Marathon queen.

 

Kausap siya ng OD nitong isang araw lang at balak niyang kumuha ng Level 2 coaching course. At inaming niyang maaring paghahanda niya ito sa coaching job.

 

Siya ay single parent na may isang anak at naging kontrobersya rin sa may ilang taong pagiging miyembro ng national track and field team.

 

Matikas sa kalsada o arangkadahan, hindi malayong maisalin din ni Martes ang bilis at galing niya sa mapapasailalim sa kanyang atleta o koponan.

 

Good luck kasamang marathoner.

Other News
  • SCTEX nagtaas ng toll

    NAGBIGAY na ng abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway Corp na siyang namamahala sa SCTEX na magkakaron ng pagtataas ng toll simula ngayon June 1.       Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagtataas ng go-signal ng 78 centavos kada kilometro. Ang nasabing pagtataas ng toll ay naaayon sa confirmed periodic rate […]

  • PRC, aminadong hindi madali ang pagsasagawa ng licensure examination sa gitna ng pandemya

    TINATAYANG umabot na sa 62 mula sa 101 scheduled licensure examinations ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) noong 2021 kumpara noong 2020 na nasa 11 mula sa 85 examinations lamang.     Sa Laging Handa briefing, inamin ni PRC Chairperson Teofilo Pilando, Jr., na hindi naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations sa nakalipas […]

  • Teaser ng horror film ni JULIA, pinusuan at kinatakutan ng netizens; ANGELI, muling magpapa-init sa pagpapa-silip ng alindog

    INI-RELEASE na ang official teaser ng horror film na ‘Bahay Na Pula’ na pinagbibidahan ni Julia Barreto, kasama sina Xian Lim, at Marco Gumabao na mula sa Viva Films at Center Stage Productions.     Mula ito sa award-winning director na si Brillante Mendoza at sa teaser ay marami na ang nagandahan at ‘yun iba […]