Bettina Carlos says she married Mikki Eduardo “twice and on the same day”
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Pabirong nagpakilala si Bettina Carlos bilang “COVID bride” matapos ikasal sa non-showbiz fiancé niyang si Mikki Eduardo.
Si Bettina ay dating GMA-7 star at co-host sa cooking show na Idol Sa Kusina. Napanood din siya bilang supporting cast member sa mga teleseryeng Sa Piling Ni Nanay, Because of You, at My Husband’s Lover.
Pero tatlong taon nang hindi aktibo si Bettina nang piliin niyang mag-focus sa kanyang baking at restaurant business.
Sa kanyang Instagram post noong Miyerkules ng gabi, December 2, inanunsiyo ni Bettina na dalawang beses silang ikinasal ni Mikki sa Tagaytay Highlands.
Ginanap ang wedding ceremony sa garden na may view ng Taal Lake, at sa katabing cabin na may function room ang wedding reception.
Hindi direktang nabanggit ni Bettina, pero tila sa function room nangyari ang ikalawang wedding ceremony nila ni Mikki.
Caption ng post ni Bettina, “For some reason I knew in my heart I was going to get married this year….
“BUT I did not expect it to be TWICE and on the same day.
“Thankfully to the same man.
“Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong COVID bride.”
Idinaan din ni Bettina sa Bible verses ang kasiyahan niyang makaisang-dibdib si Mikki, na itinuturing din niyang best friend.
Quote ni Bettina, “It will no longer be said to you, ‘Forsaken,’ Nor to your land will it any longer be said, ‘Desolate’; But you will be called, ‘My delight is in her,’ And your land, ‘Married’; For the Lord delights in you, And to Him your land will be married.'”
-
‘Resident Evil: Welcome to Raccoon City’, Official Title Of The RE Reboot Movie
DIRECTOR Johannes Roberts revealed in an interview with IGN during an SXSW online event, Resident Evil reboot movie official title is Resident Evil: Welcome to Raccoon City. According to collider.com, it will take the zombie franchise back to theaters, with a new origin story inspired by the main video game series. The reboot movie is not going to follow […]
-
Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa susunod na 3 linggo – MMDA
MAAGANG nag-abiso ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority sa publiko hinggil sa posibilidad ng pagbigat pa lalo ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Kamaynilaan ngayong papalapit na ng papalapit ang holiday season. Sa isang pahayag ay sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, asahan na pagdoble ng bigat ng trapiko sa […]
-
Abalos, iniwan ang MMDA
TULUYAN nang iniwan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ang kanyang posisyon dahil simula ngayon, Pebrero 8 ay tatayo na siyang bilang campaign manager ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. “I would like to announce that I am resigning as MMDA chairman,” ayon kay Abalos. Sinabi nito na naisumite […]