BFAR atras muna sa imported fish ban
- Published on December 5, 2022
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na isda tulad ng salmon at pampano sa mga palengke at grocery na nakatakda sanang ipatupad sa Disyembre 4.
Idineklara ang moratorium sa pagpapatupad sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195, na ang ibig sabihin ay papayagan pa rin ang pagbebenta ng mga imported na isda sa mga wet market.
Ayon kay BFAR officer-in-charge Demosthenes Escoto, rerebyuhin muna nila ang naunang kautusan sa pag-aangkat ng mga imported na isda lalo na at nakasaad sa FAO 195 na pinapayagan ang importasyon ng isda para sa canning, processing, at trade to institutional buyers.
Sinabi pa ni Escoto na mananatili ang moratorium hanggat walang nabubuong bagong regulasyon.
Tiniyak naman ng BFAR na patuloy na poprotektahan ng kanilang hanay ang interes ng mga consumer ng mga Filipino pati na ang mga fisheries stakeholders.
Titiyakin din aniya ng BFAR na magkakaroon ng food security ang bansa.
Nabatid na matagal na umanong bawal ang pagbebenta ng mga imported isda sa mga palengke dahil sa FAO No. 195 na nilagdaan noon pang 1999.
Sabi ng BFAR, paraan nila ito para tulungan ang mga lokal na mangingisda, para tangkilikin ng publiko ang mga isdang nahuhuli sa bansa. (Daris Jose)
-
Djokovic pinayuhan na magpaturok ng COVID-19 vaccine para makalaro sa Australian Open
Mahigpit na pinaalalahanan ng mga opisyal ng Australia na dapat magpaturok ng COVID-19 vaccine ang sinumang tennis player na lalahok sa Australian Open. Isa sa maaapektuhan ay si Australian Open defending champion Novak Djokovic. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa rin isinisiwalat ng Serbian tennis player kung ito ay nagpabakuna […]
-
Mga Navoteñong nasunugan, nakatanggap ng tulong na tig-P10K mula kay Sen. Go at NHA
NAKATANGGAP ng tulong pinansiyal na tig-P10,000 mula sa National Housing Authority (NHA) at kay Senador Bong Go ang nasa 1,328 pamilyang Navoteñong nasunugan sa isinagawang aktibidad sa Navotas Sports Complex, kamakailan. Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio ang pamamahagi ng tulong pinansiyal […]
-
Number coding suspendido sa Biyernes
INANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa darating na Biyernes, dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o Piyesta ng Ramadan. Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Proclamation No. 201 ng Malacañang na nagdedeklara sa Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Ramadan. Naglabas na […]