• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BFAR atras muna sa imported fish ban

SINUSPINDE ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na isda tulad ng salmon at pampano sa mga palengke at grocery na nakatakda sanang ipa­tupad sa Disyembre 4.

 

 

Idineklara ang moratorium sa pagpapatupad sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195, na ang ibig sabihin ay pa­payagan pa rin ang pagbebenta ng mga imported na isda sa mga wet market.

 

 

Ayon kay BFAR officer-in-charge Demosthenes Escoto, rerebyuhin muna nila ang naunang kautusan sa pag-aangkat ng mga imported na isda lalo na at nakasaad sa FAO 195 na pinapayagan ang importasyon ng isda para sa canning, processing, at trade to institutional buyers.

 

 

Sinabi pa ni Escoto na mananatili ang moratorium hanggat walang nabubuong bagong regulasyon.

 

 

Tiniyak naman ng BFAR na patuloy na po­protektahan ng kanilang hanay ang interes ng mga consumer ng mga Filipino pati na ang mga fisheries stakeholders.

 

 

Titiyakin din aniya ng BFAR na magkakaroon ng food security ang bansa.

 

 

Nabatid na matagal na umanong bawal ang pagbebenta ng mga imported isda sa mga palengke dahil sa FAO No. 195 na nilagdaan noon pang 1999.

 

 

Sabi ng BFAR, paraan nila ito para tulungan ang mga lokal na mangi­ngisda, para tangkilikin ng publiko ang mga isdang nahuhuli sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao No. 3 sa world ranking

    Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine.     Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangu­ngunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) champion Errol Spence Jr.  nasa u­nang puwesto.     Nakaupo naman sa […]

  • JASMINE, muling makatatambal si ALDEN sa ‘The World Between Us’

    KAPUSO actress Jasmine Curtis-Smith is thankful na despite sa umiiral na pandemya dahil sa Covid-19, na nasa second year na ngayon, ay tuloy pa ring dumarating ang mga offers sa kanya, movies and television man.      May bago siyang teleseryeng gagawin sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni […]

  • Bagong Omicron subvariant ng COVID-19 posibleng magdulot ng bagong surge – OCTA

    NAGBABALA ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas.     Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa […]