MAG-INA NA DADALO SA BIRTHDAY PINAGBABARIL, TODAS
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
DEDBOL ang isang 62-anyos na ina at kanyang 39-anyos na anak na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Malabon city, Miyerkules ng gabi.
Dead-on-the-spot si Luz Garcia, 62 at kanyang anak na si Ferdinand, kapwa residente ng 25 Hernandez St. Brgy. Catmon sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Patuloy naman ang follow up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na tumnakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, naganap ang insidente bago mag-alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon habang sakay ang mag-ina sa kanilang electric bike at paparada sana sa harap ng isang sari-sari store para bumili ng sigarilyo.
Sa imbestigasyon ni police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dadalo ang mga biktima sa birthday celebration ng biyenan ni Ferdinand nang pagbabarilin sila ng hindi kilalang mga suspek.
Sinabi ni SSgt. Tindugan sa panayam sa kanya sa telepono na ayaw umano magbigay ng detalye ang mga kaanak ng mga biktima at mga residente sa lugar dagil sa takot na baka sila naman ang gantihan.
“Under investigation pa kaya wala pang malinaw na motibo, tikom lahat kasi ang bibig kaya parang me itinatago sila,” ani Sgt. Tindugan.
Nabatid na ang lugar, kung saan nangyari ang insidente ay kuta umano ng mga kilalang kriminal na sangkot sa iligal na gawain at maging ang mga pulis at opisyal ng barangay ay nahihirapan sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa nasabing lugar. (Richard Mesa)
-
$10 bilyong investment nakuha ni Pangulong Marcos sa Japan trip
NAKUHA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa $10 bilyong halaga ng investment mula sa limang araw na working visit sa Japan. Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang ibig sabihin nito ay P550 bilyon at libu-libong trabaho. Paliwanag pa ni Pascual na nasa bola na ngayon ng Pilipinas kung […]
-
Pagbakuna sa mga batang 3-5 taon gulang vs COVID-19, pag-aralang maigi
HINIKAYAT ng isang mambabatas ang gobyerno at Department of Health (DoH) na seryosong ikunsidera ang posibilidad na pagsama ng mga batang idad 3 hanggang 5 anyos sa vaccination program laban sa coronavirus disease-19 (COVID-19). Ayon kay House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor (Iloilo), sa kabila na mas mababa ang Covid infection rates sa […]
-
WHO nagsagawa ng emergency meeting dahil sa mga bagong variants ng COVID-19
Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang banta nang mabilis na pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus. Ito ay matapos na napilitang magpatupad ng panibagong mga restrictions ang iba’t ibang bansa na nakakaranas nang pagsirit ng COVID-19 cases bunsod nang mutation ng virus. Kadalasan kada tatlong buwan […]