BFP, itinaas sa code red simula ngayong Lunes para sa yuletide season
- Published on December 24, 2024
- by @peoplesbalita
Naka-full alert status o Code red na ang Bureau of Fire Protection (BFP) simula ngayong araw ng Lunes, Disyembre 23 para sa yuletide season.
Sa isang statement, sinabi ng ahensiya na papairalin ito hanggang sa Enero 2, ng susunod na taon.
Ito ay alinsunod sa Oplan Paalala: Iwas-Paputok ng ahensiya. Bunsod nito, naging epektibo na rin ang operational readiness at striktong pagsunod sa mga precautionary measures.
Sa isang press conference, iniulat ni BFP Community Relations Service Chief Fire Senior Inspector Gabriel Solan na wala pang naitatalang fire-related incident sa mga paktorya ng paputok.
Ang pinakahuling naitala na sunog ay sa isang tindahan ng mga paputok noong Hunyo 2 ng kasalukuyang taon.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 24 na firecrackers at pyrotechnic related incidents sa bansa, kung saan 15 dito ay bunsod ng pagsabog ng paputok at 16 naman ay sa mga pyrotechnics o mga pailaw.
Samantala, ayon sa BFP official, nagdeploy na rin ang BFP ng mahigit 38,000 personnel, mayroon ding emergency medical units at BFP first aid service teams, kasama ang Department of Health (DOH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagtugon ng emergency cases. ( Daris Jose)
-
‘Di talaga bet ang beauty pageant kahit kinukulit: JANINE, happy na nakapag-Venice International Film Fest tulad ni NORA
MAY na-encounter na Hollywood o international celebrity sa pagdalo ni Janine Gutierrez sa 81st Venice International Film Festival kamakailan. Para ito sa exhibition ng pelikula niyang ‘Phantosmia’ na dinirehe ni Lav Diaz na apat na oras at labinglimang minuto ang haba. “Actually ang talagang kinausap ko lang si Taylor Russell,” ang bulalas ng […]
-
PDu30, papangalanan ang ‘most corrupt’ presidential bet bago ang May 9 polls
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papangalanan niya ang “most corrupt” presidential candidate bago ang national elections. Ani Pangulong Duterte, obligasyon niya na ipaalam sa mga mamamayang filipino ang mga bagay na alam niya upang tulungan ang mga ito sa kanilang desisyon. Sa kanyang Talk to the People, araw ng […]
-
POC tinulungan na ang mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette
Nagbigay na ng tulong pinansiyal ang Philippine Olympic Committee (POC) sa mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette sa bahagi ng Visayas at Mindanao. Mayroong tig-P10,000 na tulong pinansiyal ang binigay sa 10 surfers at dalawang coach nila sa Siargao. Kasama rin na nabigyan ng tulong si Olympic marathoner Mary Joy Tabala […]