BI ipapatupad ang ILBO laban sa opisyal ng OVP
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na nakatanggap sila ng kopya ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inisyu laban sa pitong opisyal sa Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kautusan ay natanggap nila nitong November 6 kaya isinama nila ang pangalan ng pitong opsiyal sa kanilang centralized database.
Ang ILBO ay kautusan na inisyu ng Department of Justice (DOJ) na minamanduhan ang mga immigration officers na i-monitor ang biyeehe ng mga indibidwal.
Ang pag-iisyu ng ILBO ay bunsod sa kahilingan ng House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability to the DOJ, na nakapaloob ang subpoena ad testificandum na inisyu laban sa pito dahil sa pagtanggi ng mga ito na mag-attend ng Congressional inquiry.
Pero klinaro ni Iado na ang ILBO ay monitoring purposes lamang subalit hindi pinagbabawalan ang mga ito na umalis ng bansa.
Kung sakaling aalis ang mga ito, ipapaalam lamang ng mga immigration offices sa DOJ at ang House of Representatives ang anumang impormasyon hinggil sa kanilang biyehe at kung may bagong kautusan laban sa kanila.
Sinabi na Viado na ang kautusan ay accessible sa lahat ng immigration officers nationwide, sa lahat ng airports at seaport. GENE ADSUARA
-
Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay
PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara. Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]
-
P10 BILLION KAILANGANG GAMITIN NG DSWD -MALAKANYANG
SINABI ng Malakanyang na dapat gamitin ng Department of Social Welfare and Development ang natitirang P10 billion sa ilalim ng COVID-19 emergency cash assistance program para tulungan ang mga mahihirap na sambahayan at vulnerable sectors. “Dahil ‘yan po ay naibigay na ng Kongreso, kung pupuwede nga ay ibigay pa ‘yan doon sa mga pamilya […]
-
Christopher Nolan’s ‘Tenet’, Finally Hitting to HBO Max This May
HBO Max announced that Christopher Nolan’s espionage epic film Tenet will hit the Warner Media streamer May 1. Tenet was originally scheduled for a July 2020 release, but as the COVID-19 pandemic forced theaters to shut down all around the world, Warner Bros. pushed the film back several times. Some thought Tenet could be the […]