P10 BILLION KAILANGANG GAMITIN NG DSWD -MALAKANYANG
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na dapat gamitin ng Department of Social Welfare and Development ang natitirang P10 billion sa ilalim ng COVID-19 emergency cash assistance program para tulungan ang mga mahihirap na sambahayan at vulnerable sectors.
“Dahil ‘yan po ay naibigay na ng Kongreso, kung pupuwede nga ay ibigay pa ‘yan doon sa mga pamilya na hindi pa nakakatanggap ng second tranche,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, hindi lang mga senador ang nagulat sa report ng DSWD na may P10 bilyon pa itong natitira mula sa pondo para sa Social Amelioration Program (SAP).
Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na nagulat din sya sa ulat ng DSWD kaya pag-uusapan nila ito sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng economic managers ng administrasyon.
Sa hearing, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sana ay napakikinabangan ang naka-tenggang pera ng DSWD.
Aniya, ang di paggamit ng ganito kalaking halaga ay salungat sa patakaran ng gobyerno na maglabas ng maglabas ng pondo ngayong may pandemya para masindihan ang ekonomiya.
Idiniin naman ni Dominguez na ang di nagalaw na P10 bilyon ay bahagi lamang ng bilyun- bilyong halaga ng naipamigay nang ayuda ng gobyerno para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Tinukoy ng kalihim ang P200 bilyon para sa SAP at P40 bilyon na ayuda na idinaan sa Social Security System (SSS) at Bureau of Internal Revenue (BIR). (Daris Jose)
-
Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo
NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19. Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses […]
-
PBBM, balik-Pinas matapos ang “very successful” na ASEAN summit
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa Cambodia matapos dumalo sa matagumpay na 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits. Si Pangulong Marcos, kasama ang ilang Cabinet members at iba pang delegado ay lumapag sa Pasay City, dakong alas-12:14 ng umaga, araw ng Lunes, Nobyembre 14. […]
-
Parehong masaya at nandyan sila para sa isa’t isa: MARKUS, naging open na sa estado ng relasyon nila ni JANELLA
NAGING open na si Markus Paterson sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Janella Salvador. Nagkaroon ng pagdududa ang marami na hiwalay na ang dalawa dahil no-show si Janella sa naging birthday celebration ni Markus noong June. Sey ni Markus na ang importante ay pareho silang masaya ni Janella […]