BI MAGLALAGAY NG KARAGDAGANG CCTV SA MGA AIRPORTS
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
UPANG maiwasan ang korapsiyon sa loob ng mga ports, naglagay ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang Closed Circuit Television (CCTV) cameras sa lahat ng international airport sa bansa.
Sa report na ipinadala kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Port Operations Acting Chief Grifton Medina na mahigit nang isandaan na mga CCTV cameras ang naikabit sa Terminals 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Mactan-Cebu International Airport (MCIA), at Clark International Airport (CIA).
Dagdag pa ni Medina na gumagana ang CCTV ng 24 hours sa lahat ng immigration counters sa arrival at departure ng apat na airports kung saan lahat ng galaw at aktibidades ng mga tao ay malinaw na na nakukuha at nare-record.
Isususunod din aayusin ang pagpapalit ng mga lumang CCTV sa NAIA Terminal 1 at paglalagay ng camera para sa second phase ng proyekto.
Ikinatuwa naman ni Morente ang nasabing proyekto kasuod sa kautusan ng Pangulong Duterte na ma-monitor ang galaw ng mga pasahero sa loob ng mga airports.
“These CCTVs are effective deterrents against corruption as our officers will now be wary and discouraged to commit irregularities as all their actions will surely be caught on camera,” ayon sa BI Chief..
Ayon naman kay BI Acting Spokesman Melvin Mabulac, acting chief of the Bureau of Immigration National Operations Center (BINOC), na maglalagay din ng mga CCTV’s sa tanggapan ng BI’s satellite at extension offices sa SM North at Student Visa Section sa Quezon City; BI PEZA at SM Aura sa Taguig; at BI Makati. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
WANTED PERSON TIMBOG SA MARITIME POLICE
Nagwakas na pagtatago sa batas ng isang wanted person matapos maaresto ng mga tauhan ng maritime police sa isinagawang surveillance/stakeout operation sa Navotas city. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Dominador Galido, 50, mangingisda at residente ng Brgy. Liminangcong, Taytay, Palawan. Batay sa […]
-
Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM
SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]
-
Djokovic nabigyan ng medical exemptions para makapaglaro na sa Australian Open
Nabigyan ng medical exemption si Serbian tennis star Novak Djokovic para maidepensa niya ang kaniyang Australian Open title. Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng world number one na siya ay makakapaglaro sa opening Grand Slam event matapos matanggap ang medical exemption mula sa pagpapabakuna laban sa COVID-19. Dahil dito ay […]