• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pag-crash ng helicopter sa Bukidnon

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalong namatay matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon kamakalawa.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nais sana niyang puntahan ang mga ito sa pag-aakalang nasa iisang kampo lamang subalit nalaman niya na dinala na kaagad sa bawat pamilya ang labi ng mga sundalo kaya’t nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang kanyang byahe.

“I would’ve wanted to go there. I thought yesterday nasa isang kampo lang, ‘yon pala, pinadala na mga labi nila sa mga pamilya nila so I decided to forego the trip but just the same, let me express my deepest condolences sa mga asawa ninyo,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I share your grief. Alam ko kung gaano na ang sakripisyo ng sundalo para sa bayan. They died as heroes,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa ulat, pitong katao ang nasawi na kinabibilangan ng tatlong Army servicemen at apat na Air Force personnel matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon.

Isang piloto ng UH-1H Air Force Helicopter ang kabilang sa nasawi pati na ang kanyang co-pilot, 2 crew member at tatlong sundalo matapos umanong magkaroon ng problema ang engine ng kanilang sinasakyan na naging sanhi ng pagbagsak nito.

Galing umano ang helicopter sa Malaybalay at patungo ito sa Impasugong upang magdala ng supplies nang napansin ng mga kasamahan nila mula sa isa pang helicopter na umuusok ang chopper.

Iniiwas pa umano ng piloto na bumagsak ang chopper sa lugar na maraming bahay bago ito tuluyang bumagsak.

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na pagkakalooban niya ng Order of Lapu-Lapu ang mga sundalo.

Nag-alay pa ang Pangulo kasama sina Senador Bong Go at ilang cabinet members ng isang minutong katahimikan at nagdasal para sa mga sundalong namatay.

“May they rest in peace. My message to their families is you will not be abandoned. Aalalayan ko kayo,” ang pahayag ng Pangulo.  (Daris Jose)

Other News
  • Meet Fujino and Kyomoto, the unlikely artist pair in Tatsuki Fujimoto’s emotional anime film “Look Back”

    Look Back found the voices for the main characters, Fujino and Kyomoto, in Plan 75’s Yuumi Kawai and Mizuki Yoshida from Alice in Borderland, respectively.     Look Back is the anime film adaptation of a one shot manga from Tatsuki Fujimoto, creator of Chainsaw Man. The film is helmed by Kitoyaka Oshiyama, with animation […]

  • ‘Oppenheimer’ Will Likely Continue Nolan’s $1 Billion Box Office Trend

    Oppenheimer is unlike the previous works of Christopher Nolan, and yet, it will likely continue his $1 billion box office trend, but that’s not necessarily bad.   Christopher Nolan has become one of the most respected filmmakers of his generation thanks to his unique visual and narrative style and the themes he addresses in his […]

  • Meet the Pawsome Characters of “The Garfield Movie”

    MEET the pawsome characters of The Garfield Movie, starring Chris Pratt. Discover the hilarious and heartwarming adventures of Garfield, Jon, Odie, and more. In cinemas May 29     Get ready to embark on an exciting adventure with Garfield in the all-new, all-animated “The Garfield Movie“! Opening in cinemas on May 29, this film promises […]