• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI naalarma sa biglaang pagtaas ng kaso ng surrogacy

NAALARMA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado sa pagtaas ng kaso ng surrogacy sa ibang bansa.

 

Ito ay bunsod sa pagkakasabat ng isang biktima na tangkang umalis ng bansa na magtrabaho bilang surrrogate mother sa halagang kalahating milyon.

 

Ang 37 anyos na biktima ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na tinangkang umalis sakay ng Turkish Airlines biyeheng Batumi, Georgia.

 

Inamin ng biktima na inalok siya ng isang recruiter sa pamagitan ng WhatsApp ng halagang P28,000 kada buwan para sa anyang pagbubuntis at mahigit P500,000.00 pagkatapos makapanganak.

 

Matatandaan na nitong nakalipas ng buwan, 20 kababaihan ang ni-rescue ng mga awtoridad na gagawing mga surrogate mothers sa Cambodia. GENE ADSUARA

Other News
  • Pinakilala na si Carla sa buong pamilya sa Amerika: WIL, nagsalita na tungkol sa pagkaka-engage ng ex-gf na si ALODIA

    OPEN na ang ‘Lolong’ actress na si Arra San Agustin sa kanyang relasyon sa PBA player na si Juami Tiongson.     Si Juami ang naging date ni Arra sa naganap na GMA Thanksgiving Gala. Iyon daw ang first time na makita silang dalawa sa isang public event.     Sey ni Arra sa relasyon […]

  • Cha-cha ‘word war’ sa pagitan ng Kamara at Senado, itigil na

    HINIKAYAT ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso na mag-usap at ayusin ng pribado ang kanilang bangayan sa isyu ng  isinusulong na constitutional amendments ng Kamara sa halip na mag-away sa publiko.     Umapela pa ang mambabatas ng parliamentary courtesy at ayusin ng pribado ang pinagkakaiba ng […]

  • Meralco pinatawan ng P19-M multa ng ERC

    Pinatawan ng P19-milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) matapos umano nitong labagin ang ilang direktiba ng ahensya sa gitna ng pandemya.   Kabilang dito ang bigong paglilinaw sa mga customer na batay sa estimation ang electric bils, at hindi pagsunod sa mandatong installment payment agreement.   Ayon kay ERC […]