Meralco pinatawan ng P19-M multa ng ERC
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Pinatawan ng P19-milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) matapos umano nitong labagin ang ilang direktiba ng ahensya sa gitna ng pandemya.
Kabilang dito ang bigong paglilinaw sa mga customer na batay sa estimation ang electric bils, at hindi pagsunod sa mandatong installment payment agreement.
Ayon kay ERC chairperson Agnes Devanadera, nagdulot ng kalituhan sa mga consumer ng Meralco ang hindi nito pagsunod sa mga inilabas nilang advisories.
“This serious neglect by MERALCO resulted to a multitude of complaints filed by its consumers to this Commission,” paliwanag ng opisyal.
Nakasaad sa desisyon ng ERC na may petsang August 20, na bilang Distribution Utility, dapat ikinonsidera ng Meralco ang reaksyon ng publiko sa paglalabas nito ng mga impormasyon ukol sa singil sa kuryente.
Ilan daw sa pinagbasehan ng komisyon sa kanilang naging desisyon ay ang billing statements na inihain ng mga nag-reklamong consumer; mga empleyado ng kompanya at mga ipinadalang billing statement sa opisina ni Senate Committee on Energy chairman Sen. Sherwin Gatchalian.
Dumaan din umano sa evaluation ng ERC ang billing statements mula sa National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE). Dito natukoy na 190-araw ang katumbas ng paglabag ng Meralco. (Daris Jose)
-
TOM CRUISE TAKES TO THE SKIES AGAIN AFTER 36 YEARS IN “TOP GUN: MAVERICK”
THIRTY-SIX years after portraying Pete “Maverick” Mitchell in Top Gun, Tom Cruise returns to the iconic role that catapulted him to global superstardom, with the long-awaited sequel, Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick (in Philippine cinemas May 25). [Watch the film’s final trailer at https://youtu.be/MX3gBYuV5Jg] “I’d thought about a sequel to Top Gun for all these years,” […]
-
P1 bilyong SRA ng health workers, wala pang pondo
NANANATILING wala pang pondo ang P1 bilyong COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers sa loob ng dalawang taon makaraang tumama ang pandemya sa bansa. Sinabi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa presentasyon ng panukalang pondo ng ahensya para sa 2023 sa Kongreso. Nakikipag-ugnayan naman umano […]
-
Nakapagpahinga na ng ilang buwan: JOHN LLOYD, balik-sitcom na sa pagbubukas ng bagong taon
PATULOY ang GMA Network sa pag-participate sa international market, after nilang nag-join sa MIP-COM in Cannes, France last October, GMA through its content distribution arm GMA Worldwide. Nag-participate naman sila sa Asia TV Forum (ATF) 2022 in Singapore, na kilalang Asia’s leading entertainment content market, this year’s event is the first in-person Asia […]