• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI, NAGBABALA KONTRA PEKENG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa paglaganap ng mga pekeng social media accounts sa Facebook ang mga larawan at impormasyon ng kanilang mga empleyado gamit ang official seal ng ahensiya upang mahikayat ang publiko na makipagtransaksyon sa kanila.

 

 

Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala kasunod ng mga ulat na ginagamit ng mga scammers ang social media accounts na nagpapanggap silang mga empleyado ng ahensiya.

 

 

“These scammers reportedly disguise as immigration lawyers and legal officers. They create profiles using photos of our employees, their badges, and even the logo of the bureau,” ayon kay Tansingco .

 

 

Kasunod nito, ipinaalala ni Tansingco sa lahat ng empleyado na makipag-transaksiyon sa labas ng pasilidad o tanggapan ng ahensiya.

 

 

“There have been reports in the past where fake social media profiles have fueled scams and have gotten people duped out of money,” ayon pa Tansingco.

 

 

Ikinadismaya rin ni Tansingco ang paglaganap ng bilang ng mga pahina ng social media. “It is illegal to assume the identity of others, more so to demand money from anyone using the government’s name,” sinabi ni Tansingco. “The BI strongly warns the public against internet acquaintances. Remain keen to avoid being victimized,” dagdag pa nito.

 

 

Nakipag-usap na rin sila Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang upuan ang isyu na nakakaapekto sa operasyon ng BI.

 

 

Pinapayuhan ang publiko na tumawag sa BI’s hotline (02) 8465-2400, o sa kanilang BI social media page sa www.facebook.com/officialbureauofimmigration. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PAGCOR, maghahanap ng bagong “revenue source”

    KUMPIYANSA ang Malakanyang na makahahanap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng bagong “revenue source”matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “tuldukan” na ang online sabong operations sa buong bansa.     Ayon sa PAGCOR, aabot sa P6 bilyong piso ang magiging “revenue loss” mula sa E-sabong ngayong taon.     “Tiwala […]

  • Karamihan sa mga bida ng 10 entries, hindi nakarating: JUDY ANN at GLADYS, nagkaroon ng reunion sa MMFF grand media con

    RAMDAM na ramdam na nga ang 50th Metro Manila Film Festival sa ginanap na grand media and fancon sila para sa sampung official entries sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, noong Biyernes, December 6, 2024.     Nagsimula ito sa isang panalangin na pinangunahan ni Ms. Boots Anson Roa-Roa.     […]

  • 600K na deactivated voters, nagpa-reactivate

    MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation para sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.     Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, ang 3.3 milyon nito ang nadagdag na mga bagong botante kung […]