• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI, NAGBABALA LABAN SA MGA FIXERS

NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of immigration sa lahat ng dayuhan na huwag makipagtransaksyon sa serbisyo ng mga “fixers” sa pagpro-proseso ng kanilang mga dokumento.

 

 

Ito ang sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco bunsod sa mga ulat na kanilang natanggap na ilang indibidwal ang nag-aalok ang kanilang  serbisyo sa mga dayuhan na mag-ayos sa kanilang mga dokumento kapalit ng malaking halaga.

 

 

“My office has received reports that scammers are charging exorbitant amounts and promising to fix their problems,” ayon kay  Tansingco.

 

 

Dagdag pa ni Tansingco na ginamit ng mga scammers ang apps na WeChat para makapanloko.

 

 

“This is a scam.  Do not even attempt to deal with these scammers, they will not help you with your case.  It is best to just follow the law, lest be faced with more problems,” paalala nito. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads September 6, 2023

  • Booster shot, gagawing requirement sa trabaho

    PINAG-AARALAN ng Department of Health (DOH) kung kailangang gawing requirement na rin ang booster shot ng COVID-19 vaccines para makapasok sa trabaho ang isang empleyado bukod sa ‘primary vaccine’.     Ito ay kung maaaprubahan ang panukala na isa ang booster shot sa pangunahing serye ng bakuna kontra sa virus na kasalukuyang isa hanggang dalawang […]

  • Trabaho at hindi gala ang ginagawa ni PBBM

    ITO ang iginiit nina House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin at Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa ginawang foreign travels ni Pangulong Marcos. Ayon sa mga mambabatas, ginagampanan lamang ng pangulo ang kanyang tungkulin sa pagnanais na palakasin ang diplomatic ties at makakuha ng foreign investments, na makakapagbigay ng mahabang benepisyo sa bansa. […]