• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 DRUG SUSPECTS NALAMBAT SA HIGIT P.9M SHABU

Dalawang drug suspects ang  nalamabat ng mga awtoridad matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas na ang pagkakaaresto kay Albert Ryan Pascual, 45 ng No. 50 T. Gonzales St. Brgy. San Jose at Jospeh Tinio, 42 ng 022 Pitong Gatang St. Brgy. Sipac-Almacen ay resulta ng isang linggong surveillance operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez.

 

Si Pascual na listed drug pusher sa police drug watch list at Tinio na listed drug user ay nasakote dakong 5:15 ng hapon sa Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 26 sachets na naglalaman ng 135 gramo ng shabu na may standard drug price P918,000.00 ang halaga, sling bag, marked money at P2,000 cash.

 

Pinuri naman ni Gen. Ylagan ang mga tauhan ng Navotas Police SDEU dahil sa matagumpay na operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng 135 gramo ng shabu.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads August 29, 2022

  • Mga bagong rekomendasyon ng IATF, ipatutupad na- Malakanyang

    BUNSOD ng pagtaas ng hospital care utilization rate, ipatutupad na ng pamahalaan ang mga inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) Sub-Technical Working Group (sTWG) on Data Analytics sa National Task Force (NTF) Health Facilities Sub-Cluster:     Kabilang dito ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ipatupad ang pagtaas sa availability […]

  • Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA

    TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito.     “All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr.  sa pinatawag na Zoom press conference […]