• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bianca balik-LPGA na

NAKATAKDA nang bumalik sa Estados Unidos si Bianca Pagdanganan sa susunod na lingo para ipagpatuloy ang ikalawa niyang taong kampanya sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021.

 

 

Makikipagpaligsahan ang 23-anyos,may taas na 5-4, at tubong Quezon City at pambato ng mga Pinoy sa 34 na may 35 yugto sa pangunahing torneo sa mundo ng mga kababaihang golfer umpisa sa $2M 2nd Gainbridge LPGA at Boca Rio Pebrero 25-28 sa Orlando, Florida.

 

 

Nilaktawan ng dating estudyante ng Gonzaga University alumna at former University of Arizona standout nagbukas sa mga kompetisyon na $1.2M Diamond Resorts Tournament of Champions sa nabanggit ding estado nito lang Enero 21-24.

 

 

Sinungkit ng Pinay golf star ang 2020 Tour’s driving honor sa inabala ng Coronavirus Disease 2019 ang bagito niyang taon, kalakip ang  tersera puwesto sa isang regular event  at pagsalo sa pangsiyam na puwesto sa major championship.

 

 

“Those made me good and confident,” bulalas nitong Martes ng dalagang atleta na inaayudahan ng ICTSI sa kanyang kampanya. “I’ll go for more Top 10s but I still have a long way to go.”

 

 

Napasakamay ang women’s individual at team gold medal sa Philippines 30th Southeast Asian Games 2019, team gold at individual bronze  sa Indonesia 18th Asian Games 2018, at nagkampeon sa 2017 Philippine Ladies Open, kontender din si Pagdanan para sa top 60 Olympic rankings para sa 2021 Tokyo Olympics sa darating na July.

 

 

Good luck sa panibago mong mga laban Bianca. Kaisa mo ang Opensa Depensa at ang pahayagang ito sa pag-uulat ng iyong mga laro riyan sa LPGA.

 

 

Go for gold! (REC)

Other News
  • 17 atleta na ang isasabak ng Pinas!

    Opisyal nang maglalaro sina 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso at  Bianca Pagda­nga­nan sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Pumuwesto si Saso sa No. 9 habang No. 42 si Pagdanganan sa listahan ng International Golf Fe­deration (IGF) para sa 60 women golfers na papalo sa Tokyo Olympics sa Hul­yo 23 hanggang Agosto […]

  • 3 minors, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan

    Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang […]

  • Ex-Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

    NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.   Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 ang isinampa […]