BIANCA, hinihintay na ng viewers kung paano makikipagbangayan kina ALICE at ANDREA
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
HINIHINTAY na ng mga viewers ng Legal Wives ang pangatlong wife ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo), si Farrah, played by Kapuso young actress Bianca Umali.
Maraming expectations ang mga viewers kay Bianca dahil isa siyang mahusay na actress, and she will play the youngest among the three wives of Ishmael. Ang first wife ay si Alice Dixson at si Andrea Torres ang second wife.
Hindi malilimutan ni Bianca na sinorpresa siya ng GMA, matapos niyang mag-renew ng exclusive contract sa kanila, na siya ang isa sa gaganap na asawa ni Dennis sa Legal Wives, at hindi raw siya nagtanong bakit siya, pero natuwa pa dahil muli siyang gaganap ng role ng isang Muslim tulad nang una niyang cultural drama na Sahaya.
Nang mabasa na raw lamang niya ang script saka niya nalamang ibang-iba ang character na gagampanan niya kaysa sa Sahaya. Para sa kanya ay mas na-challenge siya sa bagong role na gagampanan.
Nagsimula na ang paglabas ng character ni Farrah sa serye, paano kaya niya pakikibagayan ang dalawang naunang asawa ni Ismael?
Napapanood ito gabi-gabi at 8:50pm pagkatapos ng The World Between Us sa GMA-7.
***
NAGTAKA ang mga regular viewers ng Wowowin: Tutok To Win, nang after ilang araw na nag-live si Willie Revillame ng show sa Clark International Airport sa Pampanga, ay bigla silang nag-replay ng mga previous episodes ng show, nang sumunod na tatlong araw.
At last Wednesday, August 18, ay bigla na silang live muli, pero hindi na sa Clark, kundi sa kanyang beach resort na sa Barangay Palangan, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Inihanda pala muna ni Willie ang paglipat nila ng venue dahil hindi sila papayagang mag-show sa Quezon City dahil nasa Enhanced Community Quarantine ito ngayon.
Nakipag-usap muna siya sa Mayor ng Puerto Galera, para maipagpatuloy doon ang show at makapagbigay sila ng saya, live, sa mga manonood nito araw-araw. Kasama ni Willie ang mga cameraman, technical staff, dancers, bagong staff ng show at si Direktor Randy Santiago.
Nagpatupad din si Willie sa kanyang beach resort ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, para sa kaligtasan ng lahat. Nagpasalamat si Willie sa IATF, Department of Health, Department of Interior and Local Government at kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, sa pagtulong sa kanya.
Patuloy nang napapanood nang live ang Wowowin from 5:00 – 6:30PM, Mondays to Fridays.
***
LOVELESS since 2018, pero secret muna at ayaw pang ibulgar ni Kapuso hunk actor Derrick Monasterio kung sino ang babaeng kinakausap niya at nasa ‘getting-to-know stage’ pa lamang ang kanilang relasyon.
“Usap-usap lang, Good night, good night, paalaala lang ‘wag kang magpapa-gutom,’ ganyan! Ang baduy eh pero ganun naman talaga, ‘pag may care ka sa tao, “eat your lunch,” mga ganoon!”
Mauuwi ba sila sa seryosong relasyon, hindi pa raw niya masabi, kaya nasa dating at getting-to-know stage nga muna sila para malaman nila kung pwedeng maging sila.
“Kailangang makilala mo muna siya, you have to know her flaws, likes, interests, dislikes ninyo about each other.”
Busy ngayon sa dalawang shows si Derrick, catcher host siya ng Catch Me Out Philippines with program host Jose Manalo every Saturday, 8:30 PM sa GMA-7 at every night sa GMA Telebabad na Legal Wives.
(NORA V. CALDERON)
-
Ads October 19, 2023
-
Seven Seaport Development Projects sa Bohol, panibagong “milestone” ng Build, Build. Build program ng gobyerno-PDu30
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya ng “newly improved Port of Tagbiliran” at anim na “newly improved seaports of Bohol.” Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Seven Seaport Development Projects sa Bohol sa Port of Tagbilaran, araw ng Biyernes, sinabi nito na malaking karangalan na makasama siya sa event na […]
-
VP Sara, walang respeto kina Castro at Hontiveros: ‘I have no respect for them’
“I HAVE no respect for them.” Ito ang matapang na sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nang tanungin kung bakit niya ‘singled out’ sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at opposition Senator Risa Hontiveros nang magpalabas ito ng kalatas laban sa pagkuwestiyon sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential […]