Bloke-blokeng marijuana, nasabat sa kelot sa Tondo
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
KUMPISKADO ang higit P200-libo halaga ng bloke blokeng marijuana mula sa isang suspek na nadakip sa isang operasyon sa Tondo.
Ayon sa pulisya na kinilala ang suspek na si Edward Figueroa, 37, may-asawa at residente sa Nava St., sakop ng Balut, Tondo na nahulihan ng mga bloke ng umanoy marijuana na may bigat na dalawang kilo.
Ayon sa pulisya, nagkasa ng anti-illegal drug bust operation ang Manila Police District Police Station 1, laban sa suspek sa nasabing lugar pasado alas-11 kagabi, Marso 8.
Nakumpiska sa suspek ang ilang sachet at bloke ng marijuana na nakasilid sa zip lock plastic na may street value na P240,000.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek na ngayon ay nakakulong sa custodial facility ng MPD-PS 1. (Daris Jose)
-
Ads July 30, 2020
-
Libreng civil wedding, handog ng Navotas
TATLUMPU’T anim na magsing-irog na Navoteño ang ikinasal sa libreng civil wedding na inihandog ng pamahalaang lungsod ng Navotas. Ang Kasalang Bayan, na regular na isinasagawa tuwing Araw ng mga Puso at anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas (kahapon), ay naghahangad na gawing legal ang pagsasama ng mga mag-partner. “Karamihan sa inyo ay […]
-
50% population protection sapat para simulan ang pagbabakuna ssa ma kabataan- Galvez
SINABI ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na sapat na ang 50-percent population protection para simulan ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17. Ani Galvez, winelcome ang pinakabagong shipment ng 3 milyong doses ng government-procured Sinovac vaccines sa Ninoy Aquino International […]