Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA, malamang na isailalim sa State of Calamity
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
MALAMANG na isailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa state of calamity ang Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA dahil sa pinsalang iniwan matapos bayuhin ng mga bagyong Quinta at Rolly.
“Most likely po pero antayin natin ‘yung papel mismo na manggagaling sa tanggapan ng Presidente,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, umabot sa P5.6 bilyong pinsala sa agrikultura ang iniwan ng Bagyong Quinta at Rolly sa ilang rehiyon sa bansa, ayon sa pagtataya ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na lubhang napinsala sa paghagupit ng dalawang bagyo ang mga palayan ngunit sa kabuuan ay tumaas naman ng 16 porsyento ang produksyon ng bigas nitong third quarter ng taon.
Aniya pa, may apat na araw na produksyon ng bigas lamang ang nawala dahil sa pagsalanta ng magkasunod na bagyo.
“Apat na araw lang ang bumaba, ang present inventory 94 days. Meron pa tayong tatlong buwan na sapat na bigas para sa ating bansa,” aniya.
Nauna nang nabanggit ni Dar sa ibang panayam na inaasahang tataas ang produksyon ng palay ngayong 2020 ng pitong porsiyento, o kabuuang 20.175 milyong metriko tonelada (MT), kumpara sa 18.81 milyong MT noong 2019. Aniya pa, sa third quarter ng taon ay umabot ng 3.542 milyon MT ang ani ng palay.
Sinabi pa ni Dar na handa ang ahensya sa epekto ng La Niña phenomenon o ang madalas na pag-uulan at malamig na panahon na maaaring magtagal hanggang sa susunod na taon.
“Handang-handa po tayo doon sa sinasabi nilang La Niña, ang sabi po nila moderate La Niña ito, ibig sabihin hindi po masyadong malakas and that would be very beneficial sa ating bansa kung merong ulan during that period, until the first quarter of next year,” ani Dar.
Sa kabilang dako, dahil sa pananalasa ng dalawang bagyo ay nagresulta ito ng pagkamatay ng ilang katao at nag-iwan ng pagkawasak hindi lamang sa agrikultura kundi maging sa imprastraktura
Ito ang dahilan ani Sec. Roque kaya inirekumenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Duterte na ilagay ang ‘most affected regions’ sa ilalim ng state of calamity.
Inirekomenda rin ng NDRRMC sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Housing Authority (NHA) na i- standardize ang Emergency Shelter Assistance kung saan ang mga benepisaryo ay nakatatanggap ng financial assistance para kumpunihin ang bahay.
Pinayuhan naman ng NDRRMC ang NHA na tulungan ang local government units sa relokasyon ng mga na-displaced na pamilya mula sa danger zones at pagtatayo ng temporary shelters.
Inatasan naman ang Department of the Interior and Local Government na magsumite ng update report ukol sa status o kalagayan ng local disaster risk reduction and management fund at irekumenda ang posibleng pagdaragdag ss kanilang quick response fund.
Inatasan din ng NDRRMC ang kasalukuyang Philippine Humanitarian Assistance Registry (PHAR) na i- record at i- monitor ang mga donasyon para sa iba pang kalamidad. (Daris Jose)
-
Ads July 2, 2021
-
Daniel Radcliffe Explains Why He Wants A Reputation For Doing Weird Movie Projects
HARRY Potter star Daniel Radcliffe has recently explained why he wants a reputation for doing weird movie projects. Best known for playing the titular character in the hugely successful Harry Potter franchise. Beginning when Radcliffe was just 11 years old, the actor first took on the role of the boy-wizard back in 2001, and played him through until 2011. […]
-
Inamin na di kinaya nang laitin ng Pangulo ang Diyos… SHARON, naging emosyonal ang speech at nabanggit sina BBM at SARA
NAGING madamdamin nga at speech ni Megastar Sharon Cuneta sa naganap na peoples rally nina Sen. Kiko Pangilinan, at Vice-President Leni Robredo sa Sta. Rosa, Laguna. Ayon kay Sharon Cuneta naging kaibigan niya noon at ka-close ang presidential candidate na si ex-Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Among the Marcos […]