• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bida sina Dante, Enchong at Cedrick: Historical film na ‘GomBurZa’, pasok sa final 6 ng ‘MMFF 2023’

KAHIT walang ka-loveteam, okey lang daw iyon sa Sparkada na si Kim Perez dahil gusto niyang makatrabaho ang maraming aktres sa showbiz.

 

 

Nais ding subukan ni Kim ang iba’t ibang roles kaya di na raw niya kailangan ng ka-loveteam.

 

 

“I like to experiment po with different roles. Ayoko ko pong ma-stuck sa iisa lang na role sa TV.

 

 

“Tulad po dito sa ‘Daig Kayo Ng Lola ako: Captain Kitten’, nag-comedy po ako. Yung last teleserye ko na ‘Hearts On Ice’, drama po yon. Now po kasama ako sa ‘Black Rider’, isa po ako sa kontrabida ni Ruru Madrid.

 

 

“Enjoy po ako sa ganun at mas nate-test po yung kakayanan ko bilang aktor,” sey ni Kim na napapanood din sa game segment ng ‘Unang Hirit.’

 

 

***

 

 

PINALABAS na online ang one-minute trailer clip ng inaabangan na historical film na GomBurZa kunsaan bida sina Dante Rivero, Enchong Dee, Cedrick Juan at may special participation si Piolo Pascual.

 

 

Sa trailer nito, naroon na ang sense of nationalism na naramdaman sa ibang historical films tulad ng kay Dr. Jose Rizal, Heneral Luna, at iba pa.

 

 

Makakatulong ang pelikulang ito para sa mga kabataan ngayon na hindi alam ang ibig sabihin ng GomBurZa. Sa totoo lang, kulang sa knowledge in Philippine history ang Gen Z ngayon dahil mas abala sila sa paggawa ng content videos para sa Tiktok.

 

 

Kapag tinanong sila kung sino ang tatlong pari na tinawag na GomBurZa, nakanganga lang sila at ngingiti dahil hindi nila alam ang isasagot.

 

 

Noong 1872 napatawan ng kamatayan ng Spanish authorities sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora sa pamamagitan ng garrote. Pinatawan sila ng public execution dahil sa ikinaso sa kanila na pag-orchestrate ng Cavite Mutiny at sa mga kasong treason and sedition,

 

 

Gagampanan ni Piolo ang papel na Padre Pédro Pelaéz, ang Filipino clergy leader na naging mentor ni Jose Burgos.

 

 

Ang iba pang nasa cast ng GomBurZa ay sina Epi Quizon, Jaime Fabregas, Carlitos Siguion-Reyna, Khalil Ramos, Elijah Canlas, Neil Ryan Sese, Paolo O’Hara, Tommy Alejandrino, Gerry Kaimo, Dylan Ray Talon, Jomari Angeles, Bon Lentejas, and Arnold Reyes.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Pepe Diokno na nakilala sa mga critically-acclaimed films niya na Engkwentro (2009), Above The Clouds (2014) at Kapatiran (2015).

 

 

Ang ‘GomBurZa’ ay ang huling in-announce na nakapasok sa final six ng ‘MMFF 2023’ na kung saan napagdesisyunan na gawing sampung entries sa taong ito, sa rami ng nag-submit ng finished films.

 

 

***

 

 

NAGLULUKSA ang Hollywood dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang iconic actresses na sina Piper Laurie at Suzanne Somers.

 

 

Pumanaw si Piper Laurie sa edad na 91 sa Los Angeles, California noong October 14. Nakilala ang aktres dahil sa mga Oscar nominated roles niya sa mga pelikulang The Hustler, Carrie at Children of a Lesser God. Pinuri rin ang kanyang paggganap sa mga TV shows na Twin Peaks, St. Elsewhere, The Thord Birds at Hallmark Hall of Fame: Promise.

 

 

Bukod sa pagiging film and TV actress, isang marble sculptor din si Piper na nagkaroon na romantic past with Ronald Reagan, Rock Hudson, Tony Curtis at Tyrone Power.

 

 

Nitong October 16 naman pumanaw ang American model and comedian na si Suzanne Somers sa edad na 76 sa Palm Springs, California. Matagal siyang nakipaglaban sa sakit na breast cancer.

 

 

Nakilala si Somers dahil sa hit ’70’s sitcom na Three’s Company kunsaan gumanap siya bilang ang dumb blonde na si Chrissy Snow. Nagbida rin siya sa sitcom na Step By Step, naging host ng Candid Camera at nagkaroon ng sariling talk show na The Suzanne Show.

 

 

Naging advocate din si Suzanne ng healthy living at spokesperson ng infomercial for Thighmaster. Ilan sa mga na-publish niyang books ay A New Way To Age, Ageless, Bombshell, Knockout, I’m Too Young For This and Breakthrough: Eight Steps to Wellness.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kelot dinampot sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Malabon

    SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan ang isa sa grupo ng magkakamag-anak na nag-iinuman at nagkakantahan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Sa ulat, masayang nag-iinuman at nagkakantahan ang magkakamag-anak na pawang residente ng 94 F. Flovi 6, Brgy. Tonsuya nang puntahan sila ng matandang lalaking […]

  • General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan

    Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA.   “Affected motorists should take a turn at […]

  • Venue ng opening ceremony ng Paris Olympics pinag-aaralang ilipat

    Pinag-aaralan ngayon ni French President Emmanuel Macron ang paglilipat ng lugar ng opening ceremony ng Paris Olympcs.       Sinabi nito na mula sa River Seine ay maaring gawin na lamang ito sa Stade de France o Stadium gaya ng ordinaryong ceremony.       Inoobserbahan pa kasi ng mga otoridad ang lugar kung […]