Biden ipinagmalaki ang pagkapatay ng US forces sa lider ng Islamic State sa Syria
- Published on February 5, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAGMALAKI ni US President Joe Biden na napatay ng mga sundalo ng America ang lider ng Islamic State sa Syria.
Kinumpirma ng isang senior US administration official ang pagkasawi ni Abu Ibrahim al-Hashemi al-Quraishi sa isang operation.
Umabot rin sa 13 mga katao ang nadamay sa operation na kinabibilangan ng mga babae at mga bata.
Pinasalamatan ni Biden ang mga sundalong nakipaglaban at ligtas na silang nakabalik sa US matapos ang operations.
Si Quraishi ang siyang pumalit kay Abu Bakr al-Baghdadi na napatay din ng US noong 2019 na nanguna sa grupo na nagkontrol sa malaking bahagi ng Syria at Iraq.
Itinuturing naman ni Pentagon Press Secretary John Kirby na ang ginawang raid ng US ay isang halimbawa ng matagumpay na counter-terrorism mission dahil walang nasawing mga miyembro nila.
-
CBCP naglabas nang panuntunan para sa Ash Wednesday
Naglabas ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ng panuntunan para sa obserbasyon ng Ash Wednesday ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Ilan sa mga ito ay gagamit na lamang ang simbahan ng mga natuyong sanga at dahon ng mga halaman at mga puno dahil hirap ang mga simbahan na makakuha ng mga […]
-
Pinsala ni Enteng sa Agriculture umabot na sa P350 milyon – DA
UMABOT na sa P350 -milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng. Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region. Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasaka at production loss na […]
-
Manilenyo ‘all out’ ang suporta kay Isko
Ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno. Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakbuhan sa 2020 national and local elections, ay […]