Biden, magbibigay muli ng dagdag $800 million military assistance sa Ukraine
- Published on March 18, 2022
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ng isang US official na magbibigay ng karagdagang $800 million si US President Joe Biden bilang bagong military assistance para sa Ukraine.
Dadalhin nito ang kabuuang ipinangako na $1 bilyon sa nakaraang linggo at $2 bilyon mula noong simula ng Biden administration.
Kabilang sa bagong packages ang mga antitank missiles.
Napag-alaman na kasalukuyang ipinapatupad sa ngayon ang 35-hour curfew sa Kyiv matapos ang patuloy na ginawang pang-aatake ng Russian forces.
Ipinapakita naman ng mga bagong satellite image ang malawakang pagkawasak sa buong Ukraine, kabilang ang mga nasirang bahay sa isang nayon malapit sa Kyiv at mga nagbabagang bahay sa kinubkob na lungsod ng Mariupol, kung saan mahigit 2,500 sibilyan ang namatay.
Tatlong Russian military helicopters naman ang pinasabog ng Ukraine strike sa Kherson International Airport.
Nakatakda naman na makipagpulong ang prime ministers ng Poland, Slovenia at Czech Republic kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
-
PDu30, pinangunahan ang pormal na pagpapasinaya sa development projects sa Dumaguete Airport
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pormal na inagurasyon ng development projects sa Dumaguete Airport. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pagpapasinaya ng Development Projects sa Dumaguete (Sibulan) Airport sa Brgy. Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental ay sinabi nito na ang P252 million rehabilitation projects na pinasinayaan ngayon ay kinabibilangan ng “expansion of […]
-
Justin Brownlee, Jamie Malonzo binalik angas ng Ginebra Gin Kings
STANDING TEAM W L Bay Area 10 2 Magnolia 9 2 Converge 8 3 Ginebra 8 3 NorthPort 6 6 Phoenix 6 6 SMB 5 5 Rain or Shine 5 6 Meralco 4 6 NLEX 4 7 TNT 4 7 Blackwater 3 9 Terrafirma 1 11 Mga laro sa Miyerkoles (PhilSports Arena, Pasig) 3 […]
-
Abalos, target na paghusayin ang kakayahan ng PNP pagdating sa anti-cybercrime
TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP). Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang flag ceremony sa PNP, ipinahayag ni Abalos ang kanyang saloobin at alalahanin ukol sa tumataas na cybercrime, kabilang na ang cyberpornography, simula ng magsimula […]