Biden mariing kinondena ang Russian invasion
- Published on February 25, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas region ng Ukraine.
Hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na.
Ang Donbas region ay nandoon ang dalawang teritoryo na unang nagdeklara ng independence na Luhansk at Donetsk.
Agad namang kinondena ni US President Joe Biden at tinawag nitong “unprovoked at unjustified” attack ng Russian military forces.
Aniya, nakikiisa sa pagdarasal ang buong mundo sa mga mamamayan ng Ukraine.
Tiniyak din ni Biden na magiging responsable ang Russia at mananagot ito sakaling may maitatalang mamatay at destruction sa naturang pag-atake.
Sinabi rin ni Biden na aksyunan ito ng Amerika at ng mga kaalyadong bansa.
“The prayers of the entire world are with the people of Ukraine tonight as they suffer an unprovoked and unjustified attack by Russian military forces. President Putin has chosen a premeditated war that will bring a catastrophic loss of life and human suffering. Russia alone is responsible for the death and destruction this attack will bring, and the United States and its Allies and partners will respond in a united and decisive way. The world will hold Russia accountable,” bahagi ng statement ni Biden.
Kaugnay nito, patuloy na imo-monitor din daw ni Biden ang sitwasyon at makikipagpulong sila sa G7 leaders bago magpataw ng anumang consequences sa Russia.
Para naman kay Putin, hind naman daw isang uri nang pananakop ang pagsisimula ng kanilang paglusob sa bahagi ng Donbas region.
“Circumstances require us to take decisive and immediate action,” ani Putin sa pamamagitan ng RIA-Novosti transcript.” “The People’s Republics of Donbas turned to Russia with a request for help. In this regard, in accordance with Article 51, part 7 of the UN Charter, with the sanction of the Federation Council and in pursuance of the friendship treaties ratified by the Federal Assembly and mutual assistance with the DPR and LPR, I have decided to conduct a special military operation.”
-
Transport Secretary Arthur Tugade nanawagan sa mga tsuper na lumahok sa ‘Service Contracting Program’ ng pamahalaan
Muling nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan (PUVs) na magpa-rehistro at lumahok sa “Service Contracting Program” na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Nagkaron ng general registration program para sa Service Contracting na ginaganap ang general registration at orientation ng LTFRB […]
-
Ads January 27, 2023
-
Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo
NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19. Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses […]