• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Big fish’ target ni Cascolan sa drug war

Target ng bagong upong hepe ng PNP na si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang mga bigtime drug personalities sa bansa.

 

Ayon kay Cascolan, mas paiigtingin nila ang kanilang trabaho upang malambat ang mga indibiduwal o grupo na patuloy na nagsasagawa ng illegal drug operations.

 

Aniya, titiyakin niyang ang case build up ay ga­gawin at sisimulan sa maliit na drug pusher. Kailangan na magkakaroon ng koo-perasyon ang lahat upang matukoy at maaresto ang mga high value targets.

 

Batay sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umaabot na sa 5,722 drug suspects ang napatay simula July 2016 habang 245,135 drug suspects ang naaresto.

 

Samantala, nagbabala si Cascolan sa mga pulis na kakasuhan ang sinumang lalabag sa qua-rantine protocols.

 

Matatandaan na umani ng batikos at naging kontrobersiyal ang mañanita ni NCRPO chief Police Major Gen. Debold Sinas dahil sa ipinagbabawal na mass gatherings dahil sa COVID-19 pandemic. (Ara Romero)

Other News
  • Ads October 7, 2023

  • Hidilyn, magsasanay muli sa Malaysia para sa torneyo sa Peru

    Babalik na sa pagsasanay sa Kuala Lumpur si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa susunod na buwan.     Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsabak sa World Championships sa Peru sa buwan ng Nobyembre.   Ayon kay Samahang Weightlifting ng PIlipinas (SWP) president Monico Puentevella na bukod sa Peru ay paghahandaan din nito ang […]

  • Natupad ang wish na pinag-uusapan: JODI, sobrang happy na kaklase ang anak na si THIRDY

    NAPAPANSIN na rin kahit ng mga fans ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards ang sunud-sunod na paggawa niya ng mga projects, movies man o sa television.       Simula nga nang gawin niya ang movie na first time nilang pagtatambalan ni Julia Montes na “Five Break-Ups and A Romance,” sinundan niya agad ito ng pagti-taping […]