Big-time oil price hike sisirit uli
- Published on March 7, 2022
- by @peoplesbalita
ASAHAN na ang pagpapatupad ng napakataas na dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Nitong Sabado (Marso 5) sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na maaring pumalo sa P5.40 to P5.50 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel habang sa gasolina ay P3.40 hanggang P3.50 sa kada litro mula Marso 8 hanggang Marso 14.
Napalitan nito ang naunang pagtantiya ng mga kumpanya ng langis na nasa P4.00 lamang kada litro ang ipapataw na dagdag sa diesel at P3 sa kada litro ng gasolina sa susunod na linggo.
Kung matutuloy, ito na ang ika-10 sunod na linggong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Una nang tiniyak ng Department of Energy (DOE) na ang nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay walang direktang epekto sa suplay ng langis sa bansa, kahit pa ang Russia ay isa sa pangunahing pinagkukunan ng langis.
-
PBBM, tinitingnan ang mas malakas na ugnayan sa agrikultura sa Chile, malapit na kolaborasyon sa WHO
TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malakas na agricultural cooperation kasama ang Chile at mas malapit na pagtutulungan sa World Health Organization (WHO) pagdating sa post-pandemic era. Ito’y matapos na magkaroon ng hiwalay na pakikipagpulong sina Chilean Foreign Minister Alberto van Klaveren at WHO Regional Director for the Western Pacific […]
-
Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela
KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto […]
-
Task Force El Niño, paiigtingin at muling magpupulong para talakayin ang collective action
TINALAKAY ng mga miyembro ng Task Force El Nino, araw ng Lunes ang updates ng interbensyon para sa mga pangunahing sektor at karagdagang aksyon na kakailanganin para paigtingin ang pagsisikap laban sa epekto ng phenomenon at tiyakin ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga lalawigan na kasalukuyang apektado ng El Nino. Base […]