Bigas, mas magiging mura ng P5 kada kilo na may tapyas sa taripa -Recto
- Published on July 10, 2024
- by @peoplesbalita
IGINIIT ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bagong polisiya ng gobyerno sa pagbabawas sa taripa sa imported rice ay maaaring makapagpababa sa retail price ng bigas ng P5 kada kilo.
“This, in turn, could ease inflation further,” ayon kay Recto.
Sa pagsasalita sa Economic Forum na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines at San Miguel Corp, sinabi ni Recto na layon ng Executive Order sa pagbabawas sa taripa imported rice ay tugunan ang kasalukuyang rice-driven inflation dahil sa tumataas na presyo sa global market.
“By slashing the tariff on imported rice from 35 percent to 15 percent, we anticipate an average of 10 percent reduction in retail prices for the rest of the year. This could lower the price of rice by at least P5 per kilo from an average of P54.40 per kilo last June, prices could go down to below P50 as early as August,” ang sinabi ni Recto.
Iniulat din nito na nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo, “the rice accounted for 53.5 percent of the overall inflation for average consumers, while it is 79.6 percent for those in the bottom 30 percent of households.”
Gumaan naman ang Inflation noong Hunyo sa 3.7% sa loob ng 2 hanggang 4 na porsyentong target ng gobyerno.
Samantala, sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona na ang presyo ng bigas ang dahilan ng inflation simula pa noong Agosto 2023.
Sinabi ni Remolona na noong 2022, ang pinakamalaking dahilan ng inflation ay enerhiya kabilang na ang ‘utilities and transport’ at matapos ang ilang buwan, ito naman ay dahil sa ‘food and non-alcoholic beverages hindi pa kasama ang bigas. Nang tumuntong na aniya ang buwan ng Agosto ng nakaraang taon, ang bigas na ang nag-take over’ sa dahilan ng inflation at sa kasalukuyan ay nananatiling nangunguna na dahilan ng inflation.
“The roles of the different components changed over time. That’s the nature of supply-driven inflation. This is why we think the non-monetary measures that the government has put in place are so helpful,” ayon kay Remolona.
Sa kabilang dako, Idinagdag naman ni Recto na ang bagong polisiya ay tugon ng pamahalaan sa tumataas na presyo ng bigas, naniniwala siya na walang TRO o temporary restraining order laban sa EO gaya ng nais ng ilang grupo.
“The EO will lead to revenue losses for the government amounting to P9.2 billion pesos for the rest of the year, but that the welfare of households is important,” ayon kay Recto.
“They have more to spend on other things. It’s like a wage increase, but not inflationary,” dagdag na wika ang Kalihim sa posibleng pagbabawas sa presyo ng bigas. (Daris Jose)
-
Walang pakialam sa bashers at pananaw ng iba: BUBOY, ‘di ikinaila na supporter ang pamilya ng BBM-SARA tandem
MASAYANG-MALUNGKOT ang pagbabalik ni comedienne-actress Rufa Mae Quinto sa bansa kamakailan lamang. After three years na nanirahan sa Amerika, sa piling ni Alexandria, ang anak na babae nila ni Trevor Magallanes, parang natapat naman ang pagbalik niya sa pagyao ng brother niyang si Vincent Sy. Sadya palang umuwi sa bansa si […]
-
Unahin ang kumakalam na sikmura ng mamamayan sa halip na pagtambak ng dolomite sa Manila Bay
Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya. “Kung talagang ang problema ngayon […]
-
HVI drug suspect laglag sa P1.3 milyong shabu sa Caloocan
AABOT sa mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong suspek na […]