• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong

PINAG-AARALAN na ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila sa meeting nila sa Pangulo na kung maaari ay i-convert na lamang sa bigas mula sa National Food Authority (NFA) ang binibigay na pera sa 4Ps benificiaries.

 

 

Paliwanag ni Navarro ito ay upang maibsan ang bigat sa mga mahihirap na Filipino na kailangan pang bumili ng bigas na mayroong mataas na presyo.

 

 

Sa ganitong paraan ay babagal ang inflation sa bansa at mapapababa rin ang presyo ng bigas.

 

 

Mayroon umanong 20% na mahihirap na Pinoy sa buong bansa na nasa ilalim ng 4Ps ng DSWD na bini­bigyan ng tulong pinansyal o pera subalit kanila rin pinapambili ng bigas.

 

 

“These are 20% all over the country which are the vulnerable poor under the DSWD that is beneficiary for 4Ps. And we’re giving them money, and unfortunately because that is not rice, they’re going to buy rice in the market price; and that put pressure and inflationary in the market because they’re going to compete with the people who have money and then with only 4Ps. If we can convert the 4Ps by way of supplying them rice instead of money through NFA, then probably the inflation for rice will go down,” ayon pa kay Navarro.

 

 

Sinabi naman umano ni Pangulong Marcos na ikokonsidera nila ang nasabing panukala at titing­nan kung paano ito ipapatupad. (Daris Jose)

Other News
  • Sotto pinayuhan ng Kano

    TINAGUBILINAN ng Amerikanong coach na kasalukuyang nagmamando sa Thailand national men’s basketball team na si Chris Daleo si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.     Aniya kamakalawa, pagtuunan na lang muna ng 18 taon, may taas na 7-3, at tubong Las Piñas, ang kanyang talento at iwasan ang maraming asungot na humawak […]

  • Philippine Multisectoral Nutrition Project, ipapatupad sa 235 LGUs – DSWD

    IPATUTUPAD ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa 235 local government units (LGUs) na may pinakamataas na pasanin ng childhood stunting at undernutrition, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa ilalim ng proyekto, ang mga kalahok na munisipalidad ay tatanggap ng mga support package mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project […]

  • LTO Chief ipinag-utos na paigtingin ang anti-overloading operations sa buong bansa

    INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ang lahat ng enforcer ng ahensya na paigtingin ang operasyon laban sa overloading sa buong bansa.     Personal na pinangunahan ni Assec Mendoza ang pagsasagawa ng operasyon sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 18, kung saan 45 sasakyan ang […]