• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigayan ng ayuda, vaccination sites posibleng ‘super spreader’ ng virus

Posibleng maging “super spreader” ng virus ang mga kasalukuyang ginaganap na bigayan ng ayuda at maging ang “vaccination” ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pagkukumpulan ng mga tao sa mga venue.

 

 

“This is a possible super spreader event lalong lalo na kung kumpulan yung tao at enclosed yung space,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Nabatid na inirereklamo ng mga benepisyaryo ang pagpapalabas sa kanila ng mga lokal na pamahalaan at pagpapapila para matanggap ang P1,000 hanggang P4,000 ayuda sa halip na ibahay-bahay para hindi na sila mapilitan na lumabas.

 

 

Sinabi ni Vergeire na pinaalalahanan na nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol dito at ma-ging ang Department of the Interior and Local Go-vernment (DILG).

 

 

“We also reminded our LGU na magkaroon ng scheduling para hindi nagkakaroon ng pagkukumpol-kumpol ang ating mga kababayan kapag sila ay nagpapabakuna,” sabi ni Vergeire. (Daris Jose)

Other News
  • Kaabang-abang ang pagbabalik sa serye: RICHARD, sobrang na-miss ang kulitan nila ng mga co-stars

    MATATAPOS na ang ating paghihintay dahil sa wakas ay muling mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Richard Yap.     Ang Chinito actor ang gumaganap sa karakter ni Doc RJ sa serye na siyang tunay na ama ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak din ni Lyneth […]

  • Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG

    Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government.     Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si […]

  • Sa pagbabalik ng ‘Kusina ni Mamang’ sa BuKo Channel POKWANG, excited na sa mga special guests na magbabahagi ng kani-kanilang istilo sa pagluluto

    HUMANDA sa pagluluto ng isang bonggang handaan dahil ang ‘Kusina ni Mamang’, ang sikat na cooking show ng BuKo Channel, ay nagpapasaya na naman ngayong Tag-araw. Magiging kakaiba ang taon na ito, na nangangako na dadalhin ang mga manonood sa isang culinary journey na may mga featured dish na inspired ng tunay na lutuing Pinoy. […]