• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigtime rollback sa LPG, petrolyo asahan sa Marso

ISANG malakihang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang inaasahan sa Marso 1 (Linggo), ayon sa grupong LPG Marketers’ Association (LPGMA).

 

Tinatayang maglalaro sa P2 hanggang P4 kada kilo ang rollback o P22 hanggang P44 bawas sa karaniwang tig-11 kilong tangke.

 

Sa Sabado pa lalabas ang final na contract price ng cooking gas, dagdag ng LPGMA.

 

Samantala, may namumuro ring rollback sa presyo ng iba pang mga produktong petrolyo kasunod ng oil price hike noong Martes. Sa unang 3 araw kasi ng bentahan sa world market, nagkaroon na ng mga bawas sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene.

 

Paliwanag ng industry sources, Coronavirus Disease 2019 (COVID-2019) pa rin ang dahilan ng muling pagbaba ng presyo ng langis.

 

Lalo raw bababa ang presyo kapag idineklara ng World Health Organization ang “pandemic level” sa COVID-2019.

Other News
  • Mga lugar na may mataas na ‘quarantine classification’ mas lalo pang hihigpitan ng PNP

    Mas lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagpapatupad ng kanilang seguridad sa lahat ng mga quarantine control points lalo na duon sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classification gaya na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) at JTF Covid […]

  • LUNGSOD NG ANTIPOLO, UNANG LGU SA LABAS NG NCR NA NAGLUNSAD NG COVID-19 VACCINATION

    Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang programa nito sa pagbabakuna laban sa COVID-19 kasabay ng seremonya ng pagbabakuna ng DOH para sa roll-out ng COVID-19 vaccine sa lalawigan nitong Marso 4, 2021 na ginanap sa Antipolo City Hospital System-Annex 4. Tumanggap ng 300 doses ng CoronaVac vaccine ang Antipolo – ang unang vaccine na […]

  • Sapat na bilang ng mga tren sa MRT-3, tiniyak upang matugunan ang dumaraming mga pasahero

    TINIYAK ng pamunuan ng MRT-3 na sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 para sa dumaraming pasahero.     Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino kasunod ng balita na umabot sa 436,388 ang bilang ng mga pasaherong napagserbisyuhan ng MRT-3 noong Agosto 16.     […]