• October 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigtime rollback sa petrolyo, ipinatupad

INANUNSYO ng mga lokal na kumpanya ng langis ang isa pang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo kahapon, Martes.

 

 

Sa hiwalay na advisories, kinumpirma ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at  Flying na ipatutupad pagsapit ng  alas- 6:00 ng umaga ng Hulyo 12 ang tapyas na presyong P6.10 sa kada litro sa diesel, P5.70 sa bawat litro ng gasoline at P6.30 sa bawat litro kerosene.

 

 

Una nang nag-anunsyo ang  Chevron Philippines Inc., sa parehong pump price adjustments na magsisimulang ipatupad alas-12:01 ng madaling araw ng Martes.

 

 

Ang PTT Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Jetti Oil ay nag-anunsyo rin ng parehong big-time price rollback sa kanilang mga produktong gasolina at diesel  na iiral alas-6:00  ng umaga ng Martes.

 

 

Alas- 8:01 pa ng umaga ng Martes sisimulan ng Clean Fuel ang pagpapatupad ng katulad na bawas sa presyo. (Daris Jose)

Other News
  • 98K benepisaryo, nakakuha ng P221-M AICS sa ‘Bagong Pilipinas’ caravan

    INIULAT ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi ito ng P221.06 milyong piso sa 98,092 benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito sa idsinagawang pag-arangkada  ng Bagong Pilipinas service caravan sa apat na lalawigan nito lamang  weekend.  Ang  98,092  benepisaryo ng AICS  ay bahagi ng  322,689 […]

  • Phoenix Super LPG wagi kontra Meralco 116-98

    NILAMPASO ng Phoenix Super LPG ang Meralco 116-98 sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Pampanga.   Mula pa lamang sa simula ng laro ay hindi na pinaporma pa ng Fuel Masters ang Meralco.   Umabot pa sa 25 points ang naging kalamangan ng Phoenix.   Naging bida sa […]

  • Isa rin sa masugid na taga-suporta ni VP Leni: KYLA, nangangarap din at punumpuno ng pag-asa para sa ating bayan

    HIYAWAN ang may 70,000 tagasuporta ni Vice President Leni Robredo noong Biyernes (March 11) sa Paglaum Stadium sa Bacolod City nang iparinig ni Kyla ang kanyang Knock Knock Leni.     Isa si Kyla sa mga malalaking pangalan ng showbiz at musika na nagbigay-saya sa isinagawang VP Leni Bacolod rally. Bukod kay Kyla, nagbigay saya […]