• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIKER, PISAK ULO SA TRAILER TRUCK

NASAWI ang  isang biker matapos magulungan ng trailer truck sa bahagi ng Raxabago St., Tondo, Maynila Huwebes ng umaga.

 

 

Sa ulat ng MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang biktima na si Rafoc Alvin Roxas, 39, nakatira sa no.05 BBS Navotas  Bagumbayan south Navotas.

 

 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng trailer tractor na si Rogym Mendoza, 39  Balut, Tondo, Maynila para sa imbestigasyon.

 

 

Sa imbestigasyon, kakanan umano ang tractor head na may trailer sa kahabaan ng Raxabago St ,  mula sa Juan Luna St, nang mabangga ang biktima na patungong westbound direction.

 

 

Malakas umano ang pagkakabangga sa biktima na nakabisikleta bukod pa sa nagulungan pa ang kanyang ulo dahilan para mapisak.

 

 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara) 

Other News
  • PhilMech, namahagi ng iba’t ibang agricultural machinery sa lalawigan ng Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang bilang na 44 na iba’t ibang magsasaka, kooperatiba, asosasyon at lokal na pamahalaan sa Bulacan ang tumanggap ng sertipiko ng pagkakaloob para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Farm Machinery ng Department of Agriculture sa ginanap na “Provincial Turn-over of Agricultural Machinery for the Province of Bulacan under the RCEF […]

  • PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA

    BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito.   Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board […]

  • ASIAN GAMES 2023 MEDALISTS, makatatanggap ng Presidential citation at cash incentives

    ISANG  grand welcome at awarding ceremony  ang naghihintay sa mga Filipino medalists  ng 2023 Asian Games, mamayang gabi, araw ng Miyerkules, Oktubre 25.     Ang nasabing event ay tinawag na ‘Gabi ng Parangal at Pasasalamat Para sa Bayaning Atletang Pilipino’.     Ang Office of the President (OP) sa pakikipagtulungan sa  Presidential Communications Office,  […]