BIKTIMA NG TRAFFICKING NAGPANGGAP NA MGA SEAFARERS, NA-RESCUE
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
NA-RESCUE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang dalawang kababaihan na hinihinalang biktima ng trafficking na tinangkang pumuslit ng bansa at nagpanggap na mga seafarers.
Ang dalawang ay papasakay ng Cebu Pacific patungong Hongkong , ayon sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng BI travel control and enforcement unit (TCEU).
Ang dalawang babae ay nagpanggap na Overseas Filipino workers (OFWs) na ni-recruit na magtrabaho sa Thailand at nagpakita ng mga pekeng dokumento, pero sa bandang huli ay inamin na patungo sila sa Laos upang magtrabaho bilang mga call center agents.
“The modus operandi here is for the victims to initially fly to Thailand where they would then board their connecting flight to Laos,” ayon kay Tansingco.
Sinabi ng mga biktima na ni-recruit sila upang magtrabaho sa Laos na nakita nila sa social media at nagbayad ng P4,000 kapalit ng kanilang pekeng dokumento.
Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at pagsasampa ng reklamo laban sa kanilang recruiters. GENE ADSUARA
-
Ads November 20, 2020
-
DOLE mamimigay ng libreng bisikleta sa mga displaced workers na interesado sa delivery service
MAMIMIGAY ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo. Aabot sa […]
-
LGUs, nahihirapan na makapaghatid ng food aid sa mga biktima ni “Kristine” — DSWD
NAHIHIRAPAN ang ilang local government units (LGUs) na makapaghatid at mamahagi ng food assistance sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Kristine. Sa katunayan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na 50,000 family food packs lamang mula sa 170,000 packs na nakatago sa iba’t ibang bodega sa […]